X-21

2.6K 116 24
                                    

Generation X | 21


Vote. Comment. Be a fan.

Chapter Song: The Lucky One by Taylor Swift




Roui's P.O.V




“Do you think you will get away with this without any punishments?,”




Nakatungo kaming lahat ngayon habang nakatayo sa harapan ng table ni Miss Ally.


She's mad. Very MAD.



“I can smell the nasty alcohol here,”




Tiningnan ko si Ally at matalim ang tingin nya saming lahat.




Muli akong tumungo. Mahirap na at baka ako pa ang pagalitan. Well pinagalitan naman na kami ngayon pero atleast by group diba?




“You are just like your parents! Hanggang ngayon ay pinapasakit nila ang ulo ko dahil sainyo!,”




Tiningnan ko na naman si Ally na ngayon ay minamasahe na ang noo nya.



Kapag ganyan ay malabo ng makapag asawa si Miss Ally.




“O ikaw Mister Kriston? Isa ka pa. Nagmana ka talaga sa papa mo,” namo. Naspecial mention ako.




Rinig ko ang palihim na tawa ng mga ungas.



“Kayong lahat. Nagmana kayo sa mga parents nyo! And so, you will receive punishments para magtanda kayo,” ani ulit ni Ally.



***




“Hays. Nakakainis,” reklamo ko saka humalumbaba sa mesa.



“Buti nga ito lang yung parusa natin,” sabi ni Weno.



Ito lang?

Hah.




“Alam mo namang hindi sanay ang mga kamay kong to sa mga gawaing ganito,” sagot ko.




Yung parusa kasi namin ay ang paglilinis ng banyo, Cafeteria, Quadrangle, Library at classrooms. Nga pala, nasa classroom kami ngayon.




Tapos ito lang ang sasabihin ni Weno?




“Nga pala J, natanong mo si Moza tungkol kagabi?,” tanong ulit ni Weno. Tiningnan ko si J. Nakahalukipkip syang nakasandal sa upuan.



“Ano kayang meron sa apat na yun? Ramdam ko ang awkwardness kagabi,” sabi pa ni Weno.



Napaupo ako.



“Galit pa yung Dasttan,” sabi ko.



Kahit may tama ako kagabi ay biglang nawala dahil dun. Nabigla kami sa pagdating ng tatlong yun eh.



“I don't know,” sagot ni J saka napatayo.




“Komplikado yung pinsan mo,” pahayag ni Klaus na nakapikit. Nakikinig din pala ang ungas na to. Pero sumang-ayon ako sa sinabi nya.




“Alis muna ako,” paalam nya at pinanood naming tatlo na lumabas ng classroom.



“Hays. Sana andito si King,” ani pa ni Weno.


“Hoy mga ungas tara na. Gutom na ko,”




***

Moza's P.O.V




Generation ❌Where stories live. Discover now