X-39

2.6K 105 47
                                    

Generation X | 39

Vote. Comment. Be a fan.

Chapter Song: Need U by Monsta X


Moza's P.O.V


Dahil umuulan ay naiinis ako. Ayaw yata ng langit na gawin ko to. Pero dahil buo na talaga ang loob ko ay gagawin ko to. Tatakas ako ng academy.


Hindi para uminom o ano.


Kundi para patahimikin ang nakaraan ko.


Muli kong binasa ang nakasulat sa papel na binigay ni Dasttan sakin.


This is where she lies.


Gabi na at mahimbing na ang tulog ng tatlong to. Dahan-dahan ko namang kinuha yung sling bag ko at sinuot ang raincoat dahil maulan talaga.


Matapos iyon ay lumabas na ako.


Maganda rin pala at maulan dahil walang nalabas na studyante. Mabilis akong bumaba ng building at tumungo sa lugar kung saan kami tumakas noon nila Johnny. Aakyatin ko na lang to. Ugh. Kahit madulas ay nagawa kong makalabas.


“Tagal mo naman,”

Ehhhhhhhhhhh?!!!


“WTF! YOU STALKER!!,” sigaw ko.


Kita ko ang pagpikit nya.


“Tapos mo na ba akong sigawan?,” aniya.


Bakit ba to sumusulpot bigla!!!!


“Mababasa tayo dito kapag nakipag-away ka pa sakin,”


Magsasalita pa sana ako nang hilahin na nya ako palayo sa academy. May kung ano ba tong kapangyarihan si King at parang alam ang laman ng utak ko?


Seriously..he's creepy.


Pero dahil may point sya at nagpatianod ako patungo sa sakayan ng bus hanggang sa makarating kami sa waiting shed at dun na nya ako binitawan.


Pinanood ko syang alisin ang hood ng raincoat nya.


“Tell me...may gusto ka ba sakin kaya mo to ginagawa?,”


Kita kong napatingin ang iilan sa mga taong nasa waiting shed din. But I don't care.

Isang tawa ang sinagot ni King sakin.

Ang sama.


“Don't get your hopes too high,” pinitik na naman nya ang noo ko at sinaway ko sya.



“Then why are you are? Bakit mo ba ako pinaglalaanan ng oras mo,” kalmado ko ng tanong.


“Because you're my friend,” sagot nya.


Tssss... okay. Hindi na ako makikipagtalo pa sa bagay na yun. Siguro lang kasi ay naninibago ako na may nangungulit saking ganito, kaya ko natatanong yung motibo nya.


“O. May parating ng bus, lika na Mozarella,” aniya.



Yeah whatever.


So ayun. Pumasok kami sa bus at tabi kaming umupo. Sa labas nalang ng bintana ako tumingin matapos iyon. Pansin kong humina na ang ulan at baka maya-maya ay tapos na to.


“Sinabi sakin ni Dasttan ang tungkol sa plano mo,”


Napatingin ako kay King.


Generation ❌Where stories live. Discover now