X-24

2.4K 103 73
                                    

Generation X | 24


Vote. Comment. Be a fan.

Chapter Song: Paper Hearts by All American Reject





Moza's P.O.V


“Tomorrow we will try to make paper animals,” masayang anunsyo ng teacher namin sa Arts na subject.



Like duh. Bakit may ganitong subject sa MXA?



Tsss... para talagang kulungan ang lugar na to.



Dalawang araw pa lang pero nakakainis na ang takbo ng klase.



“Rella anong ginawa mo?,” tanong ni Chelsy na nasa likuran ko nakaupo.


“Paper plane,” sagot ko.



“Ah akin paper hearts!,” masayang sagot nya.



“Okay,” sabi ko.



Nga pala. Si Chie ay nasa Class 3C. Kawawang bata paniguradong sobrang tahimik nun dahil wala tong dalawang pinsan nya. Kung pwede lang talaga na magpalit kami ng pwesto. Tsk.



Napansin ko namang nagsitayuan na na ang mga kaklase ko kaya tiningnan ko si Dasttan na nasa unahan nakaupo pero wala na rin.




“Rella p.e  na! Tara sa locker room!,” hinila ako ni Cherish para tumayo na. Hindi na ako nagreklamo at nagpatianod na lang.




Hays. Salamat at p.e na. Atleast sa labas kami. Hindi ko talaga gusto ang nakukulong sa classroom.



Pagkadating naman namin sa locker room ay naabutan kong kumukuha ng p.e uniform si Sana.



Geez. Magkatabi pa ang locker namin.



“Hi Sana!,” bati ni Cherish at Chelsy.



Kahit kelan talaga feeling close tong dalawa.



“Hello,” sagot ni Sana.



Inalis ko ang atensyon sakanila para kunin na rin ang uniform ko.



“Are you done?,”



Panandalian akong natigil dahil sa narinig ko.




Hindi ko na kailangan tingnan kung sino yun dahil kita ko na sya sa gilid ng mga mata ko.



“Yung kambal ni King,”-Chelsy.




Mabilis kong kinuha ang uniform ko at agad na lumabas ng locker room.




Nagdire-diretso ako hanggang sa makalayo ako sa lugar na yun. Hindi ako lumingon kahit na tinawag ako ni Chelsy at Cherish.





Bakit ba parati ko na lang sila nakikitang dalawa!



Pumasok ako sa isang banyo na nadaanan ko at doon na nagbihis.



I hope pagbalik ko mamaya ay hindi na magkrus ang landas namin.



Agad akong nagpalit ng damit pagkapasok ko sa bakanteng cubicle.




Napairap ako kapag naalala ko ang boses nya. Ang baba. Kagaya parin ng dati.


Napailing ako.


Ano ba tong pinag-iiisip ko.


And so, lumabas na ako ng cubicle bago pa ako kainin nitong mga tumatakbo sa isipan ko.



Generation ❌Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon