X-38

2.3K 103 26
                                    

Generation X | 38


Vote. Comment. Be a fan.

Chapter Song: Gravity by Monsta X



Moza's P.O.V



“Ok Rella,” sagot ni Chie sakin matapos kong sabihing hindi ako gutom at gusto ko lang mahiga sa kamang to.


Pinanood ko silang umalis ng kwarto hanggang sa mag-isa na lang ako dito.


It's been 2 days at may napansin akong kakaiba sakanila. They are being extra to me. I mean, extra nice, extra gentle with their words. And when I say no--hindi na nila ako pinipilit . Nakakapanibago.



Anyway, binalik ko ang mga mata ko sa diary na to. And yeah...I'm still reading this for I don't know reason.


Dear M,

    I gave up. Aalis na muna ako sa academy na to. But just like before, babalik ako. I just need to clear up my mind. And it must be hard for you to see me afterall. Pero kahit na anonv taboy mo sakin---I will still comeback. Are you in love with her? I want to believe that no is your answer but I can tell to your acts and the way you look at her. Well, I will try my best to steal you again. You know me right? Hindi ako basta-bastang sumusuko kahit sinabi ko ng sumusuko na ako. Baliw talaga ako hahaha.



Siguro binabasa ko to dahil medyo nakakarelate ako sa may-ari ng diary na to.


“Pssssssst!,”


Napabangon ako dahil dun. Jusko akala ko multo!!!!


Sumenyas syang pagbuksan ko sya pero bago ko ginawa iyon ay nilock mo muna ang pintuan. Mahirap na talaga.


Nakapameywang ko syang tiningnan saka napailing.


“Open the window,” utos nya sakin. Heh. Makapag-utos ang lalaking to!


But I did it anyway, pinapasok ko sya.


“Tell me why you're here?,” nakahalukipkip kong tanong sakanya.


“Checking you,” sagot nya.


“Nurse ka ba para bisitahin ako?,” pabalang kong sagot.


Nagulat ako nang pitikin nya ang noo ko.


“Masakit yun!,”


“Stupid,” sabi nya.


“Gago,” sabi ko.


Tssss. Tinawag nya rin akong stupid nung nalasing ako!



“Is that the reason why you're shutting everyone out?,” tanong nya.



“Bakit naman kita sasagutin,” sabi ko.


“You are really stupid,”


Inis na talaga ako sakanya!


“Kung pumunta ka lang dito para insultuhin ako----”



“You thought keeping it in yourself will make everything okay?,”


Natememe ako. Parati na lang ganito kapag kausap ko tong si King. Parati nya akong napapatahimik!



“Porket ba narinig mo yung usapan namin ni Renjin ay may karapatan ka ng kwestyonin ang mga ginawa kong desisyon? Sino ka ba King? Bakit ganyan ka na lang kung makialam sa buhay ko?,” sinigawan ko sya. Nakakainis ang mga ganitong tao!


Generation ❌Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang