X-9

3.5K 153 67
                                    

Vote. Comment. Be a fan.

SONG: Fly With Me by Jonas Brother

Moza's P.O.V


“Rella,”

“Hoy,”

“Tapunan nyo nga ng unan,”

May lumanding na unan sa mukha ko.

“What?,”  inis na tanong ko sa tatlo.

“Anong iniisip mo?,” osyoso ni Cherish.

Niyakap ko yung unan na tinapon sakin.

“Mga bagay-bagay,” sagot ko.

Ewan. Naiinis ako dahil andito si Sana. Ayoko sya dito. Magkikita at magkikita kami.

Napabuntong hininga na naman ako. Nangyayari ba talaga to?

“Pang sampong buntung hininga mo na yun,”-Chie

Hinarap ko ang tatlo na busy sa paglalagay ng face mask sa mukha.

First day kasi daw bukas kaya dapat fresh sila.

“Gusto mo?,” tanong ni Chelsy. Umiling ako.

“Rella, ano ba talagang nangyari?,” heto na naman ang mga tanong.

“Nabasa ko yung pinost ng isang studyante. Totoong si King ang sumagip sayo?,” tinanguan ko na lang si Chie.

“Wow talaga?,” muli akong tumango.

Kahit ako ay naguguluhan sa pagkabipolar ng lalaking yun.

Matapos nyang utusan ang mga lalaking yun na pahirapan ako at patayin ay sinagip nya ako.

Baka naman nakonsensya lang Moza.

Hah.

Kung may konsensya ang taong yun ay dapat hindi nya yun inutos in the first place.

“Baka bet ka ni King,” may kasamang tili ang pagkakasabi nun ni Chelsy.

“Forever na ba ituuuuu~~,” pakantang saad ni Chie.

I rolled my eyes at them pero patuloy sila sa panunukso sakin.

“Tigilan nyo ko. I hate that guy. Sino bang babae ang magkakagusto dun. He's crazy,” I said.

Tinaas nilang tatlo ang mga kamay nya.

“Well, hindi ako kasali sa mga fangirls nya,” sabi ko saka tinalikuran yung tatlo.

Makatulog na nga lang at baka magkaroon nga ng himala at makatulog ako kahit walang alcohol.

“Rella hindi mo ko inaccept sa Facebook!,” boses ni Cherish.

“Wala akong Facebook. I deactivated it,” sagot ko.

“Instagram!,”-Chie.

“elizxndre,” ani ko.

“Accept mo nako Rella!,”-Chie.

“Wala akong phone,” tamad kong tugon.

Mabuti na rin na wala akong phone dahil baka tawagan ko lang si----.

“Tumupad ka sa usapan Moza,” mahinang sambit ko.

Napailing ako saka kinuha ang pinahiram na Ipod ni Dasttan. Nilagay ko sa magkabilang tenga ko ang earphones at finull ang volume para hindi ko marinig ang dal-dalan ng tatlo.

Generation ❌Where stories live. Discover now