X-36

2.3K 97 31
                                    

Generation X | 36


Vote. Comment. Be a fan.

Chapter Song: Youth by Daughter

Moza's P.O.V

“Eh ikaw Rella? Sinong crush mo?,” nakangising tanong ni Chelsy sakin.

Ano bang kalokokan ang pinag-uusapan nila. Katatapos ko lang maligo at magbihis ay yun ang nasalubong sakin. Nakakabadtrip na tanong.


“Yung Dad ko,” sabi ko saka pinatuyo ang buhok ko gamit ang towel.

“Ay oo nga nu! Gwapo ng Dad mo Rella,” sagot pa ni Chie.

“Bagay sila ng Mom mo~~~,” may tili yun. Ugh. Bakit sila napunta sa ganitong topic.

“Si Sana walang crush,” napatingin ako sakanya.

What a liar. I know her too well.

“Si Chie crush daw si Klaus hohoho,”

Doon ako umupo sa tabi ni Cherish.

Si Rose na kasi ang sumunod na naligo.

“Si Cherish si Rouiiiiiii!,” bulgar ni Chie.

“Si Chelsy wala ring crush,”-Chie ulit.

Hindi ako nakinig sakanila.

Uhhhhh.....paano ko nasabi kay Renjin ang tungkol sa bagay na yun. Nakamove on na nga ba ako? Kaya ko na nga bang matulog na hindi ko sya napapanaginipan?

“Kakanta kayo mamaya? Open mic ang event diba?,” nakuha ni Chie ang atensyon ko dahil dun.

“Eh. Di naman ako maalam kumanta,”-Cherish.

“Si Moza maganda ang boses,” nagtinginan yung tatlo sakin dahil sa sinabi ni Sana.

“Wala ako sa mood kaya hindi ako kakanta,” sagot ko.

“Ehhh? Sige na Rella! Sayang naman! Daming taga ibang school na makikinig!,” niyugyog ako ni Chelsy.

Bakit puro annoying people ang nakapalibot sakin?

“Natalo tayo sa last event eh. Dapat bumawi tayo mamaya!,” masigla sabi pa ni Cherish.

Hindi ko naman siguro kasalanan kaya kami natalo kanina no?

“Tigilan nyo ako. Iidlip muna ako,” sabi ko saka kinuha yung unan at nilagay sa mukha ko.

------

Kasalukuyan kaming nakaupo sa isang mahabang table na may mga inumin (hindi alcohol) at mga snacks. Uh. Ano to? Bar? Mukhang nasisiyahan naman ang iba.

And currently, may kumakanta ngayon sa stage kung saan nga kami nakaharap.

🎶I drove by all the places we used to hangout, getting wasted.
     I thought about our last kiss, how we felt the way you taste it. 🎶

Ang sabi. Sasabihin daw muna yung reason kung bakit yung kantang iyon ang napili mo. In this activity students will express their feelings.

Eh.

🎶I remember the day you told me you were leaving.
I remember the make up running down your face.🎶

Rinig ko namang nag-uusap usap na ang iba kung sino ang kakanta. Err. Makikinig na lang ako.

Generation ❌Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin