X-28

2.5K 97 36
                                    

Generation X | 28


Vote. Comment. Be a fan.

Chapter Song: Incomparable by Monsta X




Roui's P.O.V


“Okay Ma,”



(“Anyway, bumalik na ang Dad mo,”)


Tumango na lang ako sa sinabi ni Mama.


(“Roui. Don't be mad with your Dad,”)


Tumikhim ako. Di naman ako galit dun. Nagtatampo lang.


“Oo na Ma,” sabi ko na lang.



(“Yung pinsan mo nga pala? Kamusta?,”)



Saktong dumaan si pinsan kaya nilapitan ko. Mukhang nagulat sya sa paghawak ko sa braso nya.



“Bitawan mo ko,” utos nya sakin.



“Ma, she's here,” sabi ko sabay abot kay Moza ng cellphone.




Tinanggap naman nya kahit mukhang naguguluhan sya.



“Si Mama,” sabi ko.


“Ah. Hello Tita?,” ani ni pinsan.


Paniguradong magtetelebabad tong dalawa. Mga babae nga naman.



“Bigay mo na lang mamaya sakin pag nagsalubong tayo,” sabi ko at iniwan si pinsan na kausap ang Mama ko sa linya.



---


P.E na kaya nagsilabasan kami para magpalit ng damit. Sabi ng teacher namin ay basketball daw at katunggali namin yung Class 3B.




“Tamlay natin ah,” inakbayan ako ni King matapos kunin yung p.e uniform.



“May nangyari ba?,” tanong nya.



“Wala,” inalis ni King ang braso nya sakin.



Nagsimula naman na kaming magbihis.




“Napakasinungaling mo talagang ungas ka. Alam kong may nangyari,” sabi ni King.



May superpower ba tong si Jared?


Wala akong matatago sa lalaking to.




“Ano kasi...si Dad. Bumalik na daw,” pagkukuwento ko.



Napatango naman sya. Alam nya rin kasi ang tungkol sa issue ng pamilya namin.



“Edi dapat masaya ka diba? Bumalik na si Tito kaya magsaya ka,” tinapik nya ang balikat ko matapos sabihin iyon. Tapos na syang magbihis.





“O sha. Kita tayo sa gym. Tatalunin ko pa kayo bwahahaha,” napailing ako habang sinusundan sya ng tingin.




Sana nga masaya ako ngayon pero hindi. May nagawang kasalanan si Dad.




***

Klaus' P.O.V




Maingay habang naglalaro sila King. Bangko ako kaya heto ag naiirita na si sigawan ng mga fangirls ni King at ni J. Klase namin laban sa klase ni King.




“Ang ingay ng 3B,” komento ni Roui na tumabi sakin. Nangunguna sila eh.



“Sinabi mo pa,” sabi ko.




Generation ❌Where stories live. Discover now