X-13

3.3K 132 86
                                    

Vote. Comment. Be a fan.

SONG: Robbers by The 1975



Dasttan's P.O.V


Pinasadahan ko ng tingin ang mga taong makakasama namin nila Sana dito. Nagpakilala na kami sa isa't-isa pero hanggang pangalan lang. Marami pa kaming dapat malaman tungkol sa isa't-isa.


“Nasaan kaya si J at yung girlfriend nya,” napatingin ako dun sa Roui.


Tsk. Wala pa syang isang linggo dito ay may boyfriend na sya.


“Girlfriend nya ba talaga si Moza?,” tanong naman ni Sana at tinanguan nung Roui.


Napatingin sakin si Sana at napailing na lang ako.

“Bakit? Boyfriend ka nya?,” tanong ulit ng Roui sakin.

“Hindi. Bestfriend nya ako,” sagot ko.


“Hmmmm...tapos ikaw?,” kay Sana naman napatingin yung Roui.


“Kaibigan,” mahinang sagot ni Sana.


Dapat sana akong matuwa dahil sa mga nangyayaring to ay pwedeng magkabati si Sana at Moza pero mukhang mali rin ako.


“Hoy Roui. Nakikichismis ka na naman,” singit ng lalaking sa pagkakatanda ko ay si Weno.



“Eh sa gusto ko silang kilalanin. Ano bang masama dun? Tsaka pinsan ko naman si Moza,” kumunot ang noo ko sa sinagot ni Roui.

“Yep. Elizandré ang middle name ko,” sabi nya matapos makuha ang reaksyon namin ni Sana.


Hindi ko alam na may pinsan dito si Moza. Pero sabagay. Wala akong masyadong alam sa pamilya nila kahit ma bestfriend nya pa ako.


“O? Kain na tayo!,” ani ni Weno na nasa kusina.


Natapos kami sa paglilinis ng buong lugar at oras na ng hapunan pero si Moza at yung Johnny ay lumabas.


Tsk. Nag-aalala akong kasama nya yung Johnny. Kilala nya kaya yun para umalis ng hindi nagpapaalam sakin.


“Kain na tayo!,” yaya ni Roui saka tumayo na.


Sumenyas na rin ako kay Sana kaya tumayo na rin sya.

“Yung si King. Hindi ba kakain?,” tanong ni Sana.


“Hindi sumasabay kumain si King samin,” sagot ni Klaus.


“Sanay syang kumain mag-isa,” dagdag ni Roui.


Napatingin ako dun sa kwarto ni King.


***

Moza's P.O.V


“Tatakas tayo?,” tanong ko kay Johnny.


“Ayaw mo?,” umiling ako saka binalik ang tingin sa pader.

Sino bang ayaw tumakas sa lugar na to.


“Iniisip ko lang na baka madamay ka dahil sakin,” hindi ko alam kung bakit napatawa si Johnny sa sinabi ko.


“Ako ang bahala sayo Rella,”

“So ano na? Labas na tayo, ipapasyal kita sa Greenstone City,”


Nice idea Johnny.  Kahit alam kong maiinis na naman sakin si Dasttan dahil umiiral na naman ang pagiging matigas ng bungo ko ay bahala na.

Generation ❌Where stories live. Discover now