34 - Shocking News

Start from the beginning
                                    






Nakangiting naglalakad si Ellie, mapapansing mukhang masaya ang umaga niya.


Tiningnan niya ang kanyang suot na rubber band bracelet, iyon ang dahilan kung bakit masaya siya. Kahapon kasi noong mag town silang dal'wa ni Xander, may nakita syang ganoon bagay at nagustuhan iyon, pero dahil nagamit niya halos lahat ng baon niya kahapon at wala pa syang dalang extra'ng pera hindi siya nakabili. Nagulat na lamang siya nung tanungin siya ni Xander kung gusto ba daw nyang gawan na lang siya nito, natuwa siya at sobrang excited, hindi pa niya inexpect na magagawan siya ni Xander ng ganoong bracelet sa isang gabi lang.


Simple ito oo at maraming marunong gumawa—pero hindi sapat ang salitang 'mahalaga' ito para sa kanya..


..lalo na't galing kay Xander at itong binata ang nagbigay ng oras para magawa lamang iyon.


Habang naglalakad at nakatuon lang ang atensyon ni Ellie sa simpleng bracelet na iyon, hindi naman niya sinasadyang makabangga ng ibang studyante..


" I'm sorry! " Sabi ni Ellie at medyo napahiya siya.


Nakita niya ang isang babaeng may katangkaran at maikli ang buhok. Nakatingin lamang ito sa kanya.


" Miss, uso ang tumingin sa dinadaanan. " Sabi nito.


Mas lalong napahiya si Ellie, bakit kasi hindi siya nagingat kanina.. " Pasensya na talaga. "


" Huwag kang masyadong magpaapekto sa nangyari, maybe it's your fault pero nag-sorry ka naman and kalimutan na natin yon. " Sabi ng babae.


Hindi na hinintay pa ng babaeng magsalita ulit si Ellie nung nagmadali na itong umalis.


Bago pa tuluyang maglakad ulit si Ellie, narinig nyang tinawag ng isa pang studyante ang babaeng kausap lamang niya kanina ng—Rachelle.




Break time at nagkasalubungan naman sina Ellie at Chen sa campus.


" Saaaan—shine! "


Nagtaka si Ellie nung tawagin siya ng ganon ni Chen pero mabilis naman itong tumakbo papunta sa kanyang harapan. " Ellie! Hahaha—ang gwapo ko! " Natatawang sabi ni Chen pero kung tutuusin muntikan na nyang tawagin si Ellie ng 'Sandy' kanina lang.


Tinawanan na lamang ng dalaga ito.


" Wala si Xander? " Hinahanap naman ni Chen ang isa pang kaibigan.


Umiling si Ellie bago magsalita, " Bumalik na sa classroom, hm? Nasaan si Barbie? "

12 Bad Boys 2: UnrememberedWhere stories live. Discover now