34 - Shocking News

Magsimula sa umpisa
                                    



Hindi rin masabi-sabi ni Lorence ang tungkol sa nararamdaman ni Ellie sa kanya, hindi niya iyon masabi sa ngayon kay Xander, hindi niya gustong saktan ito lalo na't nakikita nyang masayang masaya ngayon si Xander.


Pagkatapos ni Lorence sa mga kanyang ginagawa, naisipan nyang lumabas ng bahay upang bumili ng makakain sa convenience store.


Pero minalas siya nung sarado pala ang convenience store, kaya tumungo siya sa iba pa hanggang sa makahanap siya ng bukas na convenience store at malayo layo na ito sa kanilang boarding house. " These are my favorite chips. I think enough na 'to. " Pagkatapos magbayad ng pinamili, sakto namang paglabas niya ay biglang umulan.


" Wala pa naman akong dalang payong, ang malas naman. " Ani ni Lorence.


Lalong lumalakas ang ulan kaya tumambay muna siya sa loob ulit ng convenience store, wala pa naman syang hoodie'ng suot kaya mababasa siya nito. Hindi nagtagal ay may napansin syang mga payong na binebenta din pala sa lugar na iyon kaya hindi siya nagdalawang isip na bumili ng isa, kaya nakaalis na siya sa lugar na iyon at naglalakad lakad na ngayon.


May tumatawag kay Lorence, si—Mike.


Sinagot niya ito at tumigil muna sa paglalakad upang sagutin ito, matapos non ay maglalakad na sana siya ulit pero may nakakuha ng kanyang atensyon.


Samantalang may isang nakatayong babae ang basang basa na dahil sa ulan, bukod don ay hindi ito umiimik. Maliban don—kilala siya ng binatang may dalang payong na kasalukuyan syang pinagmamasdan ngayon.


" Rachelle? " Sambit ni Lorence.


Kilala niya ang babae kaya nilapitan niya ito at bahagyang pinayungan ang babae para hindi na ito mabasa pa.


Walang imik si Rachelle ngunit alam nyang naroon si Lorence—ang kanyang classmate at hindi naman niya ito ka-close, pero si Lorence lamang ang laging nakakapansin sa kanya..


" What's the matter? May nangyari ba? " Tanong ni Lorence at huling tiningnan ang dalaga.


Nanatili si Rachelle nakatingin sa malayo.


" Malamang halatang halata na ang sagot dyan. Yah, hindi ka pa nasanay sa tuwing lalapitan mo ako. " Sabi ni Rachelle.


Natatandaan ngayon ni Rachelle na lagi ngang si Lorence ang nakakapansin sa kanya sa tuwing may mga pinagdadaanan siya o may problema. Hindi niya ugaling magkwento sa ibang tao, pero si Lorence nandyan pa rin para tanungin siya kung may problema ba o wala.


" Rachelle, kahit may pinagdadaanan ka hindi mo dapat pinapabayaan ang sarili mo. "


Ngayon ay nagawa nang lumingon ng dalaga kay Lorence.     


12 Bad Boys 2: UnrememberedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon