Chapter 58

75 8 1
                                    

THIRD PERSON'S POV

"kuya Alyster ayos ka lang?" tanong ni Yuna kay Alyster habang nag luluto ito.

"oo naman..." sabi nya ng may ngiti "bilisan natin ang pag luluto para makapag linis tayo agad." dugtong nito kaya mabilis silang kumilos.

Matapos mag almusal ang lahat ay kanya kanya silang palitan ng damit para sa pag lilinis ng bahay ni Nyx. Nag hati sila sa dalawang grupo yung isa ay sa loob ng bahay at yung isang grupo ay sa bakuran.

Ang grupo ng Frankenstein, Venom at knights ang nag sama sama para mag linis sa labas Samantala ang grupo ng Lucifers, Black Rose at Reapers ang nakatoka mag linis sa loob ng bahay.

"I BECOME SO NUMB, I can't feel you there
Become so tired, so much more aware
I'm becoming this, all I want to do
Is be more like me and be less like you!!!!" malakas na kanta ni Luke na sinabayan ni Casper habang nag bubunot ng damo.

"hoy ang ingay mo!" sigaw ni Sidney habang katabi ang dalawang aso ng Lucifers na si Hydra at Cerberus "di na lang mag linis ng tahimik.."

"boses palaka ka kase..." bawi naman ni Casper

"luh ang galing nya kumanta oh!" sabi ni Sidney

"mag kapikunan kayo huh..." bilin ni Alyster na akala mo ay tatay.

"sorry pa... Hindi na mauulit" sabi ni Achilles na pigil ang tawa.

"gusto mo makipag sparing?" tumayo si Alyster at tinanggal ang gloves nya habang naka ngiti.

"ho ho ho..." binasa ni Achilles ang labi nya ng sariling laway saka kinagat. "nice Idea... Gusto ko yan--" nakatayo na sana sya pero biglang may bumangga sa kanya "anak ng--" at nung tignan nya yun ay si Tori iyon na may hawak na cellphone gumagalaw ito na parang ewan. Parang kiti-kiti... Sumasayaw ito ng sumasayaw habang hinahabol sya ni Quentin

"woooh! Oh oh!" sabi ni Tori habang ibabato pataas ang cellphone ni Quentin sabay tumbling at sasaluhin ang iyon na naka pose na tila si Michael Jackson tas mag mu-moon walk.

"ooooooooohhhhhh!!!" sigawan nila sa labas dahil sa pag ka hanga kay Tori. "paneeees!"

"ibalik mo na yung cellphone ko Tori!" napapakamot na lang si Quentin sa ulo nya dahil sa inis habang naka busangot ang mukha pero pilit inaagaw ang Cellphone nya.

"a. Yo. Ko. " sabi ni Tori na tila isang robot habang sumasayaw ng robotics.

"may sumpong ka na naman ba?! Akin na yan! Parang tanga eh!" gigil ni Quentin

Nag lakad si Tori habang iikot ikot ang kamay sa gilid kasabay ng ulo na tila natutunay sya. "ayokoooo..." bulong nya

Natatawa na lang si Quentin "hahaha para kang gago brad... Oo na ikaw na magaling sumayaw... Ano ba kaseng gusto mo? Nag lalaro ako ng mobile legend bad trip naman eh"

"bigyan mo ako ng skin!" sabi ni Tori na tumakbo sa harap ni Quentin at tatalon talon pa. "Kumpleto mo na lahat ng skin at nasayo na rin halos lahat ng hero eh!"

"TALAGA???!!!" sigaw nila lahat sa labas na nag takbuhan din sa harap ni Quentin

"oo gagi! Ang taas na ng level nyan eh!" pag mamayabang ni Tori "Grand Master 3 na yan eh! Samantalang nung nakaraang linggo lang sya nag umpisa mag laro!"

"patingin!" - Casper

"Talaga?" - Godfrey

"ang Lupet!" - Luke

"para kayong mga Ewan! Akin na yung phone ko" - Quentin

"ehem!!" clear throat ni Achilles "mag lalaro ba kayo o mag lilinis?" tanong nito.

Goodbye Agony Book 1Where stories live. Discover now