Chapter 33

160 25 6
                                    

NYX POV

Tignan ko lang sya sa mukha habang nakangiti sya. Pero binaba nya din yung kamay nya ng hindi ko sya kinamayan. Nag pout pa sya kaya lalo pa syang nag mukhang cute. Nakaupo lang kami dun tatlo... Nasa amin ang mata ng karamihan. Nag mumukha nga akong kontrabida sa pagitan nilang dalawa habang nag-aasaran.

"waaaaaahhh!! Penge akooo kuya" kinuha nung babae yung pagkain ni Feist. Ano nga ulit... Era ba?

"noooo... Kumuha ka dun!!! Napaka nito! Dun ka na nga! Ang kulit mo eh" naasar na si Feist sa kakulitan ni Era. Ngayon alam nya na ang nararamdaman ko sa tuwing nangungulit sya. Para silang aso't pusang dalawa mapag patol si Feist kaya nag aaway sila. "dun ka na! Hayst!... Konti lang huh! Kase ang daming pag kain dun nakikisalo pa sa akin! Papansin ka rin eh noh?" pikong sabi nya kay Era. Ganyan pala sya mainis para syang grade school.

"eh gusto ko sayo eh. Atsaka nag KISS na tayo di ba? Kaya ano pang inaangal mo jn?" I stunned nung marinig ko yun mula sa bibig ni Era. Nanuyo ang lalamunan ko... Ilang araw ba akong nawala sa Montenegro? Bat wala akong nabalitaan? Bakit walang nabanggit sa akin si Feist? Shit... What's wrong with me? Nag kaka syntax error ang utak ko. Hindi nya maprocess yung mga salitang yun...

I gulp my Heineken... Tuloy tuloy ang pag inom ko nun hanggang sa maubos at walang tinira kahit isang patak, baka sakalang mag function ulit ng maayos yung isip ko.

"hooo..." mahinang buga ko ng sarili kong hininga. Inubos ni Era yung pagkain ni Feist.

"anak ng! Ang sabi ko unti lang eh!" he's pissed.

"kaya nga unti na lang din naman yung nasa plato mo eh... Kuha ka pa!" utos nya kay Feist.

"ikaw ang mag kuha dun!" walang tigil ang bangayan nilang dalawa. And yes I'm pissed.

"could f**king shut up.. You're too annoying..." kalmado kong saway sa kanila pero matalim ang mga tingin ko sa kanila. Napalunok sila at nanahimik.

"ikaw kase eh..." bulong ni Era sabay sipa sa binte ni Feist. Napainda si Feist.

"aray. Tch" bulungan nilang dalawa. "Nyx.. Sayaw tayo?" yaya nya.

"no" kinain ko yung binigay nya sa akin.

"please..." - Feist

"no" Me

"sige naaaa" -Feist

"I. Said. No" me

"ayaw nya! Tayo na lang!!!" masiglang tumayo si Era at hinatak si Feist

"teka ayaw kong makipag sayaw sayo" giit ni Feist. Pero wala na syang magagawa dahil nasa gitna na sila ng dance floor. Napailing na lang ako. Una masigla pa ang tugtog at Rock. Pero biglang nagbago yun... Naging slow... Sweet at romantic.

Sa lahat ng couple na mag kapartner dun sila yung matatawag na match made in heaven. Bagay sila... Sobra... Mukhang napipilitan man si Feist ay dahan dahan pa din itong sumasabay sa indayog ng musika. Medyo malayo pa ang distance nilang dalawa kaya mas dinikit pa ni Era yung katawan nya hanggang wala nang namamagitang espasyo kanilang dalawa. Nakahawak si Feist sa bewang nya at sya naman nakapulupot ang mga braso sa leeg nito... Nang nakatalikod si Feist nakita ko na tumingin sa akin si Era... Yung tingin na nang-iinggit... And I after that I saw her smirk like a bitch. I thought she deserve Feist. She looks an angel but I was wrong... She's wearing a mask... At pag tinggal mo yun wala kang ibang makikita kundi purong Demonyo. Mukha ba akong judgemental?

Isa sa magagandang katangian ng pag-iisa yun ay ang mabilis mong ma-oobserbahan ang mga tao ng walang pang gulo sayo. Sa tagal ng panahon ng pagiging observer ko nakikita ko ang simpleng pag kakamali lang. Pero yun nga lang... Iba si Feist at ang mga kaibigan nya. Sila lang ang tanging nakalulusot sa pakiramdam ko. Kaya siguro na attached na din ako sa kanila.

Goodbye Agony Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon