Chapter 32

163 24 2
                                    

*December 23. 7 pm. Montenegro University*

NYX POV

nandito pa lang ako sa gate kitang kita ko na ang mga nagkikislapang ilaw mula sa gymnasium, doon gaganapin ang general Christmas party. Ang daming kotse na nakaparada sakay ang mga studyanteng nagmumukhang parol. Dinaig pa ang Christmas tree sa dami ng kolorete sa mukha. Yes I do make up, pero para yun maitago ang tunay na ako. Isang batang mahina at ulila at malungkot at nag-iisa at tinatawag na salot ng lahat. And this people? Tch they're just happy go lucky kinalilimutan kung ano ang tunay na mahalaga. Binabaon ang sarili sa panandaliang kasiyahan para ano? Para pagtakpan ang Sariling kadiliman. Hindi lang kase nila tanggap na meron ding madilim na parte sa kanila at pilit na tinatakpan pero di nila alam patuloy pa din yung sisingaw.

"Ma'am Nyx?" Napalingon ako sa likod ko, nakita ko si Clara na nakangiti. "merry Christmas po!" hindi ko sya sinagot. Pero lumapit ako sa kanya... At inabot ang tatlong paper bags na hawak hawak ko pati ang apat na plastic bags. Isang complete set ng Nyx make-Up ang laman ng mga paper bags at grocery naman ang sa plastics. Dumaan ako dito sa school para mag baka sakali na makita ko sya gusto ko kasing palitan yung nagamit kong make-up nya. Atsaka ayaw kong magka utang na loob kahit kanino.

"p-para po sa akin?" tanong nya.

"tanggapin mo na lang.  Kung ayaw mo pwede mong itapon" sagot ko. Nung kinuha nya yun hindi ko na hinintay ang pasasalamat nya't agad na akong lumakad paalis.

"teka ma'am Nyx... Hindi... Ka ba... Pupunta ng Christmas party?" huminto ako at nilingon si Clara

"insulto ba yun? Kase kung oo hindi yun tatalab sa akin..." I'm with my black ripped jeans, black shirt, black Jacket, black converse shoes and she's asking me if I'm going to join that b*ll sh** party? What do you want me to think?

"hindi po...  Lahat po kase ng mga studyante ng Montenegro nandito... Kayo lang po ang wala" malungkot na sabi nya.

"what am I to you? A ghost?" kalmado kong tanong. "I'm in front of you... And we're here at Montenegro so complete list ang university"

"pero ma'am---" pinutok ko sya sa sasabihin nya.

"Clara look... I know you cared... But the people inside that gym and that place is hell for me with full of demons in disguise... Kaya wag mo na akong pilitin" yumuko lang sya. Nakita ko ang pag tulo ng luha nya... Pero tumalikod na ako para umuwi pero hindi pa ako nakakalayo ng may humatak sa hood ng jacket ko. Papasok sa loob ng Montenegro. "ANOOOO BAAAAA?! who the hell are you?" nang makawala ako sa pagkakahawak ng taong yun mabilis akong humarap sa kanya. Si Feist at si... "Ethan!? Bat magkasama kayo?" si Ethan pala ang humila ng hood ko. Parang nung nakaraan lang nag bubugbugan sila.

"nakita ko syang nag lalakad kaya sumabay ako.. Then nakita ka naming papaalis kaya hinatak kita. Alam kong wala kang balak na sumama sa party pero nandito ang boyfriend mo kaya bat ka aalis?" naiinis nyang sabi sa akin.

"wala akong balak makipag plastikan sa party na yan. At hindi ako pumunta dito dahil jn. Binigay ko lang kay Clara yung make-up nya... And one more thing ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi ko boyfriend ang asungot na yan" tinuro ko ang pangiti ngiti na si Feist.

"in denial? Tsssssss..." sabat ni Ethan. Kinutongan ko ang nakakabwisit na taong toh. "bakit ba?"

"oo nga naman Nyx? In denial!?" sabat ni Feist. Biniyan ko sya ng masamang tingin pero ngumiti lang sya. Bwiset!!!! Nag lakad na ako paalis ulit pero ngayon dalawa na silang pumigil sa akin. Hinawakan nila ako sa magkabilang braso. Nakaharap ako palabas ng school pero sila opposite ng direction ko. Mabilis nila akong na bitbit ng dalawa... They too strong para pakaalis ako sa kapit nila. Tsss.

Goodbye Agony Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon