Chapter 54

110 7 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

Nasa loob ng kwarto sina Icarus... Pinag mamasdan ang mahimbing na pag tulog ni Nyx katabi si Ethan. Naka kumot ang dalawa kaya hindi nila makita ang pasa sa kamay ng dalaga.

Hindi na nila ginising ang mga ito dahil pansin nila na tila pagod na pagod ang dalawa.

Hindi nag uusap ang tatlo habang nasa loob ng kwarto. Kinalabit ni Alyster si Icarus sa balikat at nag yaya nang lumabas. Tumango naman si Icarus at nag lakad na sila palabas.

********
4:00 PM
********

Nagising si Ethan... Unang hinanap ng mata nya si Nyx at nakita nya ito na katabi sya kaya naka hinga sya ng maluwag. Kinapa nya ang noo nito pati leeg... Hindi ito nilalagnat at mahimbing pa ding natutulog. Tumayo sya at nilibot ng tingin ang paligid...

'tama... Nasa bahay kami ni Cornelius' saad nya. Napahawak sya sa batok... Nang pumasok sa utak nya ang SD card ng camera ay mabilis nyang kinapa ang bulsa at naroon pa iyon.

Napaupo sya ulit sa kama at napa hilamos... Kinuha nya ang cellphone at tinignan ito. Puno iyon ng missed calls. Mula sa mama nya, kila Leon, Icarus, Alyster pati na rin kay Attorney Lelouch.

"shit..." bulog nya. "anong gagawin ko?" mabilis na pag kuyakoy ang ginawa nya at tumayo saka nag pabalik balik ng lakad habang napapahilamos. 'Hindi ko pwedeng sabihin kila Icarus ang totoong nangyare... Baka kung anong mangyare sa kanya... Ganun din kay Alyster... Ayokong mapahamak sila mama... Si Atty. Na lang ang paraan...' mabilis na lumabas ng kwarto si Ethan at wala sa isip na lumabas ng bahay pero nakasalubong nya ang kotse ni Lelouch na kakapasok lang ng gate nila Cornelius... 

"Attorney?..." takang tanong ni Ethan.

"kanina pa sya nag aalala sa inyong dalawa ni Nyx ng malaman nyang tumakas ka sa hospital... Tinawagan nya si Icarus kaya pinapunta ko lang sya dito" saad ni Cornelius

Napalingon si Ethan sa likod nya. Naka sandal sa gilid ng pinto si Cornelius habang hawak hawak ang juice sa kanang kamay at nakabulsa naman ang kaliwa.

"Ethan!" pag kababa na pag kababa ay tumakbo si Lelouch para yakapin ito. "saan ka galing? Bakit ka tumakas? Si Nyx?.... Tignan mo ang sarili mo..." saad nito habang basag ang boses sa pag aalala

Hindi na nakapag salita si Ethan at niyakap na lang si Lelouch. "Attorney... Sorry... Sorry... Sorry talaga..."

"hey hey... Okay lang... Ang importante walang nangyareng masama sa inyo--" hindi na natuloy ang sasabihin ni Lelouch dahil bumugso ulit ang luha ni Ethan.

"sorry.. Sorry... Sorry... Nahuli ako... Attorney nahuli ako... Hindi ko sya nailigtas..." saad ni Ethan

"teka nga... Hindi kita maintindihan... Hindi mo nailigtas sino?... Pumasok muna tayo sa loob at doon tayo mag usap..." inakay nya si Ethan sumunod naman si Cornelius.

"good afternoon attorney..." pag bati ni Cornelius.

"good afternoon... It's my pleasure to be here..." - Lelouch

Nasa garden silang lahat pero sa sofa umupo si Ethan at Cornelius pati si Lelouch.

"ngayon kumalma ka... Ano yung ibig mong sabihin?" banayad na tanong ni Lelouch. Inabot naman ni Cornelius ang juice nya at pinainom sa kaibigan. Hindi na nag salita si Ethan sa halip ay may kinuha ito sa bulsa at inabot kay Attorney. Kumunot ang noo ni Lelouch habang inaabot ang nasa kamay ni Ethan "SD Card?"

Hindi nag salita si Ethan... Nag labas ng Laptop si Lelouch. Hinanap nya ang adaptor sa bag nya pero wala.

"may Adaptor ako... Teka kukuhain ko." mabilis na tumakbo si Cornelius papuntang kwarto at marahang pumasok para kuhain ang kailangan nila. Pag kakuha ay bumalik sya "ito na..." inabot nya iyon kay Lelouch.

Goodbye Agony Book 1Where stories live. Discover now