Chapter 24

185 22 1
                                    

DART S POV

nandito kami ngayon sa Hospital, dahil pinsan ni ate Nyx. Naalala ko kung ano ang itsura ng Ethan na yun habang nakayakap kay ate. Hindi masabi ang mga salitang "buti nga sayo" or "karma yan tanga" kahit sa isip ko. Takot na takot sya at nanginginig... Awang awa ako sa kanya habang pinagmamas dan ko sila at ang paligid.

Isang matinding trauma ang kakain sa Kanyang isipan. Ni hindi ko nga kayang mag biro lalo na ngayon eh.

"Dart!" nanindig ang balahibo ko ng marinig ko pangalan kong binanggit ng may kagagawan ng bagay na yun. Tumingin ako sa kanya habang papalapit. Gusto ko sanang lumayo o umiwas pero huli na dahil nasa harap ko na sya. Wala na akong magawa kundi batiin sya at ngumiti. Sumulyap ako kay Tori at Yuna na noon ay nakabantay kay ate Nyx dahil dinala din sya emergency room. Para gamutin ang sugat at mag bigay ng kung ano anong mga test. Si Ylona at Angel naman at may mga kausap sa Phone.

Shemay! Bat ba lagi akong napapahamak?

"boss? He he he" tumabi sya sa akin. Aaaarrg! Ayaw ko talaga pag ganito. Mas gusto ko pang kainin ako ng lupa. Binulsa ko ang kamay ko para hindi nya makita ang panginginig ko bunga ng takot.

"afraid?" nakatingin sya ng direstso sa Mata ko.

Napalunok ako at napatingin sa ibang direksyon. "B-Boss?" ano bang pwede kong sabihin? Kahit anong compose ko ng mga salita ay wala akong mabuong tamang sentence.

"I know... Hindi na mauulit... Sorry, hindi ko na control ang galit ko at kaya nung nakita ko---"

"alam naman namin eh!!" nanlaki ang mata ko sa pag taas ng boses ko. Nakuha ko din ang atensyon ng ilan. Naiinis ako dahil bakit kailangan umabot sa ganun? Lagi na lang eh! Nangingilid ang mga luha ko. Kapag nagagalit ka lagi na lang nahahantong sa ganun. Pano pag napahamak sila lalo ka na! Lagi na lang di naku-control ang galit nyan! Ilang beses muntik kang makapatay dahil sa galit mo. Kaya nga ayaw naming mapunta ka at humiwalay ka ng school dahil walang mag papababa ng init ng ulo mo. Papaano kung napahamak ka sa pag lilibing sa kanya? Paano kung napatay mo sya??? Paano kung makulong kaaaa???? Paano??

Ang dami kong gustong isigaw sa harap nya pero di ko Magawa dahil naiipit yung lalamunan ko. Sobrang sikip, sobrang bigat... Di nagtagal ay natuluyan na ang mga luha ko. Bumagsak ng bumagsak ng bumagsak.

"paano na lang kuya?..." yun lang lumabas sa bibig ko pero halos di pa marinig at puro hangin lang. Ang tagal ko ding hindi syang natawag na ganun. Niyakap nya ako, para akong tanga na humahagulgol dun na tila makipag break sya sa akin. Yung takot ko kanina parang sumama sa mga luha ko.
Naalala ko tuloy noon parang yung unang kita namin dati imiiyak din ako.

"bat ka umiiyak?" isang batang lalaki ang lumapit sa akin mas matangkad sya at mas matanda ng ilang taon. Akala ko bully sya kaya umiyak pa ako lalo. Nakita ko na nataranta sya at kumiha ng kung ano anong bagay sa bulsa nya na puno ng laruan at pag kain. Inabutan nya ako ng maliit na hot wheels kulay red at Maganda talaga pero ayaw ko nun kaya tuloy ako sa pag iyak. Inabutan nya ako ng candy pero ayaw ko parin nun!

"ano bang gusto mo?" mahinahon nyang tanong. "nawawala ka ba? Haaaay..." hinila nya ako "halika"

"ayaw ko sumama sayooo!" pag pupumiglas ko. Pero hinila nya pa din ko.

"oh!" inabutan nya ako ng ice cream. Umupo kami sa ilalim ng puno. "nasaan ang papa mo?" di ako sumagot "sige na kainin mo na yan!" tinikman ko ang ice cream at dahil sa sarap ay napangiti ako. "see? Sarap di ba!" tumango lang ako.

"nawawala ako" sabi ko "ikaw din ba!?" tumango sya habanh sarap na sarap sa pag kain. "eh bat di ka umiiyak?"

"hahanapin din naman nila ako eh hehehehe" sabi nya.

Goodbye Agony Book 1Where stories live. Discover now