Chapter 7

349 42 3
                                    

NYX'S POV


Habang pinag mamasdan ko tong kasama ko, hindi ko alam kung anong mararamdaman. Kung mabibwisit ba ako o magagalit dahil sa kulit ng kasama ko. Kanina pa toh sa jeep eh. Ilang beses na kaming muntikang mapababa dahil sa kanya.

Tss...

Ngayon andito kami kami sa Bingo-han di pa daw kase sya Nakaka try nito. Pinang bigyan ko na lang din sya dahil kahit ako di ko pa rin na susubukan. Kami lang ata ang teen ager dito dahil karamihan ng nakikita ko ay puro matatanda na.

"Nyx may 15 ka oh!!!" huh? Tinatakan nya yung # na 15 sa card ko. "ayan baka manalo ka! Isa na lang oh! Bingo na!" oo nga noh isa na lang. Ewan ko kung bakit pero kakaiba yung pakiramdam ko. "saya ang tawag jn" Naramdaman ko ang pag haplos ni Feist sa Ulo ko. Mas lalong dumagdag yung saya na yun.

Ang tagal ko na ring hindi nararamdaman yun ilang taon na nga ba? Buhay pa sila mommy at daddy ng mga panahong yun.

Nakatingin lang ako sa kanya habang masayang nakatingin sa card nya at hinahanap yung # nakaka announced lang. Ang saya nya.

"hmm? bakit?" tanong nya nung napansin nyang nakatitig ako. "wala" yung ang sagot ko at agad ko ng binawi ang tingin ko at tumingin na sa harapan at nakinig na lang.

Approach avoidance ang nararamdaman ko.

Gusto kong makasama sya pero alam ko na mamalasin sya dahil sa akin. Baka mawala din sya sa akin tulad ng iba. Hindi ko na kakayanin ang ganun. Ikagugunaw na yun ng mundo ko.

Nakakainis bakit ganito na lang ang nararamdaman ko. Hindi na ako sanay na wala sya. Pero... Pero kailangan kong pigilan. Paano?
Ang gulo. Ang gulo gulo. Pinapagulo nya ang lahat.

Naalala ko kung paano nya ako protektahan. Ang saya sa pakiramdam. Ang sarap sa pakiramdam na may nag liligtas sayo. Sa napakatagal ng panahon... Naramdaman kong naging special ulit ako. Na isa akong malaking kawalan. Na may karapatan akong gumising sa umaga.

"BINGOOOOOO!!!!!!!!!!" isang malakas na sigaw ang narinig ko sa tabi ko. Yung matanda lang pala. Naka bingo na sya. "ang daya!" napatingin ako kay Feist naka pout na naman sya. "sayang Nyx isa na lang eh! Bingo ka na" tss. Para naman yun lang.

"hindi ako mananalo. Malas nga ako di ba?" pinanging kitan nya lang alo ng mata. "hindi kaya. Halika na nga" hinatak nya ang kamay ko patayo at lumabas na kami dun. "anak ng! Hindi porket di kita sinasaway ulit ulitin mo na ang pag hila sa kamay ko huh!!!" ngumiti lang sya sa akin. "sowe na" hay nakaka inis talaga!

"saan mo gustong pumunta---" natigil sya sa pag lalakad at pag sasalita ng may nakita sya sa di kalayuan. Nung tinignan ko kung saan sya nakatingin ay nakita ko ang Toy kingdom. "N-N-Nyx" mabilis kaming tumakbo papunta doon. "teka lang dahan dahan nga!" para syang bata na nakakita ng favorite na laruan. Huminto kami sa tapat nun. Binitawan nya ang kamay ko at mabilis na pumasok doon at may dinampot na isang may kalakihang stuff toy. "BARNEY!!!!!" niyakap nya yun at hinagis hagis pa sa ere. "aaaah!!!! Anh cute cute mo!!! Ang lambot... " pinisil pisil nya ang buntot at ilong nun. Nakita ko na nag tatawanan ang mga tao sa paligid. "Barney, barney Barney!! NYX tignan mo!ヾ(≧▽≦*)o" nilapit nya pa sa mukha ko iyon. Para syang bata na nag niningning ang mga mata dahil sa bagong laruan na natanggap sa pasko. Napangiti na lang ako habang nakatingin sa kanya.

Imbis na mainis ako... Why I find him cute?

"bilihin natin sya---"

ICARUS'S POV

"bilihin natin sya---" natigilan ako nung makita ko na nakangiti sya.
Wow...

"ang ganda..." bulong ko sa sarili ko. Huminto ang buong paligid. Wala akong ibang makita bukod kay Nyx na nakangiti at nakatingin sa akin. Halos di ko maigalaw ang buo kong katawan. Kinusot ko ang mga mata ko. "what?" tanong nya. Nawala na yung ngiti nya.

Goodbye Agony Book 1Where stories live. Discover now