Chapter 27

186 24 2
                                    

ICARUS POV

Nag lalakad ako papuntang gate dahil dun ako susunduin ni Tori para sabay sabay kaming Pupunta sa hospital at dalawin ang puso ko --- si Nyx. Ang cool no? Nakahiwalay yung puso ko sa sarili kong katawan?

"Kuya?!... Oi!! Kuyang masungit!" may naririnig akong sigaw ng babae sa likod ko at palapit yun ng palapit. Pero sure ako na di ako yun. Di ako masungit noh! Ang bait ko kaya.

"Icarus!?" tumingin ako sa kaliwang dereksyon. Kumaway ako sa tatlong lalaki na nakatayo sa harap ng isang Black na Porsche.

"oi!" lumiko ako dahil pupuntahan ko sila. Pero nakakailang hakbang pa lang ako ay may narinig akong bumagsak sa likod ko. Kaya napa tingin ako sa likuran. Isang babae na naka subsob ang mukha sa lupa ang nakita ko. Patakbong lumapit yung tatlong lalaki sa amin at tinulungan yung babae.

"Era!" Sigaw nung tatlo. Concern?
Teka... Sya yung babaeng nakabungguan ko nung nakaraang araw. Itinayo nila yung babaeng tinawag na Era.

Bigla tuloy may nag play sa utak ko na kanta.

Era..

Era..

Eh.. Eh..

Wala lang. Hahahaha. Kalimutan nyo na.

"ikaw!!!" nag bwelo yung babae para sapakin ako pero nasubsob ulit sya sa lupa. Umilag kase ako kaya yun natuwad sya. Hinampas ako nung isa sa mga lalaki na tinawag ako kanina. Napalingon naman ako sa kanya na may halong pag tataka.

"bat ka umilag?" tanong nya kaya mas lalo naman akong nag taka. Kung hindi ako umilag edi nasuntok ako. Atsaka ... May nagawa ba ako sa babae na to?

Parang wala naman?

Lalapit sana ulit sya para suntukin ako pero nahawakan ko sya sa ulo. Maliit syang babae, maputi, cute, meron syang curly hair at mukhang buhay na buhay.

Pffft! Hahaha sorry natawa lang ako sa buhay na buhay. Pano kase Medusa lang yung tipong gumagalaw. Ay grabe ang kulit naman nito.

"Icarus!" pigil ng tatlo. Hay! Ako yung agrabyado dito ah bat ako yung mukhang masama?

"ay tignan mo ang cute ni Icarus at Era oh!" naririnig kong bulungan ng iba kong schoolmates na nakatingin sa amin.

Napaka eskandalosa naman kase eh. Dami na tuloy chismosa.

"bagay sila noh? Ay... Kung magiging sila naku fan na nila agad ako."

"ay naku... Ano bayan! May couple of the year na tayo next year!"

"kyaaaaa! Ang sweet naman nila"

"ang gwapo ni Icarus at ang angelic face na si Era! Ay ang ganda nila tignan"

"di hamak naman na mas bagay si Icarus at Era kase sa black lady na yun!"

"naman Girl! Kung magiging si Era at Icarus hinding hindi ako magiging bitter noh!"

"eh kung magiging si Icarus at yung Black lady na yun naku ipapa inom ko sa kanya yung asedo!"

"nakaka bwiset talaga yun eh laging dikit ng dikit kay Papa Icarus! Eh mukha nga silang Handsome and the beast pag mag kasama!"

"buti nga at wala yun ngayon dito eh! Wala ngayong malas na umaaligid sa school atsaka hello.. Look! Ayan... Sila talaga ang bagay Era at Icarus"

Hindi ko masyadong naririnig yung mga pinag uusapan nila dahil mahina pero alam ko na ako at itong babaeng makulit na ito ang tinutukoy nila.

"Miss ano ba ang gusto mo? Di nga kita kilala eh? Ina-ano ba kita?" tanong ko sa kanya curious na kase talaga ako eh. Gusto nya ba na manghingi ako ng sorry dahil sa nakaraan? Siguro "well kung galit ka about dun sa nabunggo kita then sorry. Hindi kita kilala kaya please alis na nag mamadali ako" gusto ko na makita si Nyx mamaya di pa sya kumakain eh dahil Hinihintay nya ako. Napansin ko yung pag tataka sa mukha ng iba kong mga schoolmates

Goodbye Agony Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon