Chapter 50

120 7 7
                                    

THIRD PERSON'S POV

"HINDEEE!" sigaw nila Sidney at mabilis na tumakbo papunta sana kay Orville na syang napalo sa ulo ni Ashley. Natahimik ang lahat, yung iba ay natakot at nag sitakbuhan na paalis ang ibang mga unknown dahil akala nila ay nakapatay si Ashley. Itinaas ni Orville ang kamay nya hanggang balikat dahilan para mapahinto sila Reginald at Godfrey sa pag lapit.

Nabitawan ni Ashley ang masong hawak at hindi na nakapag salita. Dahil natalsikan ng dugo ang dalawang lalaki na humahawak kay Nyx ay natakot sila at biglang tumakbo. Samantala si Ashley ay hindi magawang kumilos. Nakatingin lang ito kay Orville... Sa mga mata ni Orville. Ngumisi ito at nanlaki ang mata ni Ashley sa nakita... Napaatras ito at napaupo sa sofa habang hindi pa rin naalis ang tingin dito. Nakita nila na sumenyas si Orville kay Ashley ng "silence" na tila ba dapat ay itago nitong lihim ang nakikita. Lumapit si Orville kay Ashley ay hinawakan ito sa leeg ng mahigpit.

"t-tulong..." saad ni Ashley habang nag pupumiglas.

"masamang magalit si kamatayan... Ayaw na ayaw nyang inuunahan sya sa pag kuha ng kaluluwa ng mga paborito nyang karakter..." bulong ni Orville "nakikita mo ba sya?... Nakikita mo ba si kamatayan na papalapit sayo?..."

Naluluha na si Ashley at hindi na makapag salita. Nangingitim na rin ang mga labi nito...

"tama na!..." pigil nila Cornelius, Icarus at Lucifer kay Orville.

"enough Orville mapapatay mo na sya!" sigaw ni Lyle na pati sya ay hinawakan ma si Orville. Lumapit na rin si Achilles para tumulong sa kanila. Kahit si Nyx ay hinawakan na ang kamay ni Orville para tanggalin sa pag kakahawak ang kamay nito sa leeg ni Ashley pero sobrang lakas niya at hindi sya mapigilan.

"Enough..." bulong ni Ylona na kahit si Icarus na katabi nito ay hindi maririnig ang boses niya. Tumulong na rin siya at niyakap na nya si Orville mula sa likod. Sila kase ang pinaka malapit sa kanya... "please..." bigla na lang nawala ang lakas ni Orville kaya nabitawan na nya si Ashley. Tumalsik sila dahil sa pag hila nila kay Orville at nag tilapon. Buti at nasa likod si Ylona kaya nasalo nya si Orville at naalalayan ang ulo nito.

Umubo ng umubo si Ashley at hinabol ang hininga nya.

"YAAAAAAAAAH!" sabay sabay silang napatingin sa sumigaw at nakita nila si Hemera ma hinampas ng bote sa ulo si Ashley kaya nawalan na ito ng malay.
"I... I did it... You okay?..." tanong ni Hemera kay Nyx

"ako dapat nag tatanong nyan.. " sagot ni Nyx

"yeah... I'm fine..." kahit nanginginig ito sa takot dahil makita nya ang gang war at kanina pa sya nag tatago. Oo... Nakita nya lahat... "oh god..." nang nakita nya si Leon ay nilapitan nya ito at sinampal. Nanlaki ang mata ng lahat at natinignan lang sila. "ang sabi mo saglit lang! Pero hindi mo na ako binalikan sa puno!... Yung isa kong classmate N kasali sa black rose ang nag tanggal sa akin dun!"

"ang cute nya... " saad ni Luke

"aah..." hindi na nakapag salita si Leon at napakamot na lang ito ng ulo. Sa gulat ng lahat ay mag sitawanan na lang sila dahil sa reaction ni Leon na parang asawa na under de saya.

umalis na sila sa asylum at diretso ang lahat sa ospital maliban sa Lucifers na bigla na lang nawala ulit.

Nag palit ng damit ang mga members ng Lucifers at nag tanggal ng maskara sabay pumunta sa magkakahiwalay na hospital pero ang iba ay umuwi at dun nalang ginamot ang mga sarili kasabay ng bulyaw ng kani-kanilang mga magulang.

Dumiretso sa condo unit sila Ylona para dun gamutin ang mga sugat at para dun narin mag palipas ng gabi. Kasama nila si Alyster at ang Lucifer... Na sya talagang totoong Alyster.

Goodbye Agony Book 1Where stories live. Discover now