Chapter 43

112 7 3
                                    

THIRD PERSON'S POV

"Lucifer..." saad ng taong humarang kay Icarus bago makalabas ng classroom.

"Ethan..." banggit nya sa pangalan nito. Hindi na nagulat si Icarus sa pag litaw ni Ethan dahil kanina nya pa ramdam ang presensya nito sa labas ng kwarto. At amoy din nito ang pabago na umaabot hanggang sa pwesto nya kanina. Pero binigyan nya pa rin ito ng magandang ngiti.

"ikaw... I-i-ikaw si L-Lucifer" saad nito. May halong takot, dismaya, gulat at surpresa nito dahilan para maging garalgal ang boses nito.

"heaven yes" kinagat pa ni Icarus ang ibabang labi habang nakangiti.

"p-pero... Pinagkatiwalaan kita sh*t" napahawak pa si Ethan sa ulo nito na sumasakit at nakaramdam din sya ng pagkahilo.

"alam ko..." hinila ni Icarus ang braso ni Ethan "tara na..."

"bitiwan mo ako!" hinigit nya ang braso pero na-out balance sya dahil biglang nanghina pati ang tuhod nya kaya humampas sa pader ang tagiliran nya. "hindi halata pero tinuring kitang sarili kong kuya... T*ng i*a. Tinanggap ka pa sa Black Rose ni Cornelius... S*it" sumandal si Ethan sa pader dahil hindi nya kayang tumayo ng tuwid, habang nakayuko ay may aninong tumakip sa kanya at ng itinaas nya ang ulo ay halos huminto ang puso nya. Matalim at pailalim ang tingin sa kanya nito hindi nya napigilan ang panginginig ng macorner sya ng kanang braso.

"I smell... Fear Ethan..." saad ni Icarus

"lumayo ka sa akin... Sinungaling ka... Manloloko... Pati si Nyx niloloko mo... Mapagpanggap... Ano? Aangkinin mo ang Black Rose? Huh? Sasakupin mo lahat ng gang" bulong ni Ethan

Pero imbis na mapikon o magalit ay ngumiti si Icarus itinaas nya ang kaliwang kamay sara inilagay sa ulo ni Ethan at ginulo ang buhok.

"seryosohin mo nga ako!" tinabig ni Ethan ang kamay ni Icarus sa sariling ulo.

"malalaman mo din. Hintayin muna natin si Frankenstein sa gate..." hinila ni Icarus ang braso ni Ethan at hindi ito makapanlaban sa kanya.

"bakit kailangan mo pang mag sinungaling?" - Ethan

"magkaiba ang pag sisinungaling sa pag tatago" - Icarus

"King ina... Nag paloko kaming lahat..." hindi napansin ni Ethan na dumadaloy na sa mga pisngi nya ang sariling luha.

Totoong itinuring na nyang kapatid si Icarus at walang pagsidlan ang saya nya ng makita ito sa tambayan at sinabi ni Cornelius na kabilang na ito sa Black Rose.
Mataas din ang tingin at respeto nya dahil kaya nitong pakisamahan ang lahat ng nakakasalamuha nito.  Hindi nya mawari sa sarili na Kahit dalawang beses syang naospital dahil kay Icarus ay nagawa pa nilang maging mag kaibigan at ngayon na nalaman nya ang malalim na sekreto nito ay hindi nya alam kung anong mararamdaman. Si Icarus na mabait, palangiti at kayang pakisamahan ang kahit na sino at si Lucifer na mapanganib, kinatatakutan at walang awa ay iisa pala.

"b-bakit b-ba ako s-sumasama s-sayo? T-t**g ina mo" parang batang walang kalaban laban si Ethan habang hinihila ni Icarus dahil nga sa panghihina. Hindi malaman ni Icarus kung matatawa sya o maawa o makukonsensya sa itsura ng kaibigan. "pano si Angel pag nalaman nya? Baka lumayo na sya sayo? Pati ako madadamay. Ikaw na nga lang connection namin dalawa..." dagdag pa nito.

Biglang nag ring ang cellphone ni Ethan sa bulsa kaya huminto sila para masagot iyon. Pero nang makita kung sino ang tumawag ay biglang napapikit si Ethan. "shet si Nyx..."

"sagutin mo..." - Icarus

"anong sasabihin ko? Yung purong kasinungalingan mo?... Hello Nyx.." - Ethan

[Nasaang impyerno ka?] bungad ni Nyx

"nasa school..." bulong ni Ethan na tila nawalan ng lakas.

Goodbye Agony Book 1Où les histoires vivent. Découvrez maintenant