Chapter 19

174 27 0
                                    

TORI'S POV

-_-+

NAIINIS NA AKO!!!!

Inamoy ko ng bahagya ang damit ko. Kanina nya pa kase ako nilalayuan, lalapit ako lalayo sya... Sobrang layo.
Ano bang problema nya sa akin?

"Yunaaaaa..." habang nagde-decorate sya ay lumapit ako. "mabaho ba ako?" Inamoy nya ako

"Hindi naman ah! Umaalingasaw nga yung pabango mo eh"

"eh bakit yung kaibigan mo ayaw lumapit sa akin? Huh huh huh?"
Sa lahat ng babae na nilalapitan ko sya lang ang natatanging lumalayo. Sa gwapo ko na ito may babae pang nagtatangkang takbuhan ako?

Walang babaeng nakakalampas sa kamay ni Tori. Lumapit ako sa kaibigan ni Yuna. Ang pagkakaalala ko Phyllisannie yung buo nyang pangalan eh. Pero mas astig Kung Phyllis lang common na kase ang Annie. "Phyllis" nahinto sya sa pagkaikot ng mga Christmas lights. Nung ilang metro na lang ang layo ko ay automatic na humakbang ang paa nya palayo. Kaya humakbang din ako tapos hahakbang din sya ulit.
Hanggang sa pabilis ng pabilis ang lakad naming dalawa at tila naghahabulan Na kami.

Pero... ( ̄. ̄)??? Eh?
Huminto sya at napahinto din ako. Naramdaman ko na may nakahawak sa likod ng kwelyo ng damit ko. Sabay kaming napalingon... Si boss. Patay...

Ngumiti lang sya at pagtapos maya maya nakatali na kami sa puno dito sa likod ng simbahan. "you're not kids anymore to play tag inside the church, and as a punishment... I'll leave you alone then" pero bago sya tuluyang umalis ay binuksan nga yung Christmas light na ipinang tali nya sa amin dito sa puno.

Ang romantic na sana eh. May puno... Malamig na hangin... Tanging ilaw lang ng Christmas lights ang nagbibigay liwanag... At kaming dalawa lang... Kaso...

"ang romantic na sana" narinig kong bulong nya

"oo nga eh sayang... Masyado bang mahigpit yung pagkakatali sayo?" hindi na ulit sya nag salita. "may galit ka ba sa akin?" wala pa ding boses na sumagot "ayaw mo ba sa akin?... Mabaho ba ako?... Sorry sa nangyari Kung Hindi dahil sa akin hindi ka matatali dito kasama ko... Sorry talaga" seryoso mute ba sya? "Phyllis?--"

"Please! Wag mong tawagin ang pangalan na yan... I don't know who you are and you don't have the right to call me that name. No one allowed to call me... Phyllis... Please"

Nagulat ako sa pagtaas ng boses nya. Sya lang ang unang nag taas ng boses sa akin na babae. Kaya ikinabigla ko talaga.

"please!..." umalingawngaw yun sa isip ko. Ang sakit sa puso ng boses nya.

"sorry... Annie" tama naman sya feeling close agad ako. Siguro I stepped on the line kaya ganun ang naging reaction nya.

Ilang oras na ang nakalipas panis na ang laway ko dahil sa hindi pag uusap namin. Sobrang lamig na nang gabi buti may suot ako jacket--

∑( ̄□ ̄;) halA!!! Naka sleeveless nga pala si Annie.

"Annie?" walang nagsalita "Annieee!!? Tulog ka na ba?" oh shut! Baka na matay na sya sa lamig!!! Humanap ako ng paraan para makatakas sa tali. Kunting shake pababa konting shake pakaliwa, shake pa kanan. Shake shake shake...
Then tada!!! Nakawala na ako. Nakalusot na ako sa Christmas light. Mabilis akong umikot sa puno para puntahan si Annie. Then... Tulog lang pala sya.
Hinawi ko yung buhok nya na humaharang sa mukha... nya.

*togs*toGS*TOGS*TOGS*TOGS*

Natigilan ako bigla.
Teka... Ano yun?... Nanggagaling yung ingay sa loob ko. Tinignan ko lang naman yung mukha nya habang natutulog ah. Yung payapa nyang mukha habang natutulog... Na mas lalong na habang naiilawan ng Christmas lights ang angelic nyang mukha.

"ang ganda..." Σ( ° △ °|||) oh fudge!!!!!!! Iniling ko yung ulo ko. Hinubad ko yung jacket ko at pahirapang isinuot sa kanya ng hindi sya naiistorbo sa pag tulog.
Bumalik ako sa pwesto ko at itinali ulit ang sarili. Magagalit kase si boss pag di nya ako Nakita dito. Nag concentrate ako sa pag upo dun at nanahimik. Pero ang ingay... Ang ingay ingay. Parang may sariling stethoscope ang tenga ko dahil Dinig ko ang mabilis at malakas na tibok ng puso ko.

"aaayyyy!!!!! Tumigil ka na nga sa pagtibok!" ano bang problema nito?...

Shiiiteee! Di kaya may sakit na ako gaya ni boss!? Tama may sakit ako! May sakit ako sa puso! Mag papa opera ako. Sabay kami ni Boss! "tama.. Tori may sakit ka!!!"

"hmmmn.."

Itinikom ko ang bibig ko. Ang ingay ko baka maging si Phyllis. Sinilip ko sya... Natutulog pa din.

Haaay... First time kong maramdaman toh! Mukhang tanga lang.

YUNA'S POV

hmmm... Asang puno ba sila nakatali? Tapos na kami mag decor kaya hahanapin ko na lang sila. Uuwi na rin kami dahil gabi na.

Ayun!

Tignan mo nga naman, OO!

Inilabas ko ang Cellphone ko at kinuhaan silang dalawa ng picture habang natutulog. Nakapatong ang ulo ni Annie sa balikat ni Tori habang nakasandal ang ulo nya sa puno. Grabe bagay sila!

"Yuna!" napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Ylonna, kasama si Dart at Angel.

"Ssssshhhhh... Wag kayong maingay. Dali" mabilis naman silang lumapit.

"abaaa... Nag papaka gentleman na naman pala si Big Bird" naka cross arm pa si Angel.

Naglabas ng Cellphone si Dart at Ylonna. Para silang mga photographer. Lahat ng angle kinukuhaan nila.

"pag toh na inlove Ang womanizer na toh naku! Ito na ang karma nya sa lahat ng babaeng imiyak ng dugo para sa kanya" umiling pa si Ylonna habang tatawa tawa.

"Hahaha told you... Relax lang on the way na si karma na traffic lang" nag apir pa sila ni Ylonna
Dart talaga.

Kinurot ng pino ni Ylonna si Tori para magising.

"Aay! PUT---" mabilis na tinakpan ni Dart ang bibig ni Tori at inilagay nya ang index finger sa tapat ng labi sabay turo kay Annie.

"tumayo ka na jn tanga" sinipa ni Angel ang binti ni Tori.

Nang makatayo na si Tori ay umupo ako at ginising si Annie.

"Annie? Annie?... Hey Sleeping Beauty gising na~" unti unti nyang binuksan ang mata nya.

"Yuna?... Nakatulog pala ako... Sorry~" kinusot nya ang mata nya at inalalayan syang tumayo ni Angel.

"ang lambing nya talaga... Ang layo ng kay Tori, barubal" siniko ni Tori si Dart kaya napainda ito "aah! Totoo naman eh"

"ako best friend mo tas ginaganyan mo ako!" - Tori

"edi friendship over" - Dart

Parang sira tong mga toh.
"gabi na uwi na tayo... Anjn na rin kase yung driver nyo Annie hinahanap ka na" sabi ko.

"ganun ba?... Pasensya na sa nangyari ngayon. Hindi ako nakatulong" - Annie

"Ayus lang ano ka ba? Experience tawag dun. Sige na tara na dali atsaka... Sigurado ako na naging maganda ang oras nyo ni Tori (* ̄︶ ̄*) he he he" - Ako

Karma karma karmaaaa...

Kilala ko si Tori. Pag gusto nya, gusto nya at walang pwedeng makialam. Konting push pa sa kanya.

Tintik kang babaero ka huh! Ano ka ngayon boy?

Dapat pala noon ko pa toh ginawa.

Goodbye Agony Book 1Where stories live. Discover now