Chapter 57

84 6 2
                                    

THIRD PERSON'S POV

Matapos ang gabing iyon ay umuwi na sila sa kani-kanilang mga bahay at gaya nga ng sabi ni Icarus ay dun sya naki tulog sa bahay ni Cornelius. Samantala si Ethan ay umuwi sa bahay nila at nag linis buong mag damag lalo na ang kwarto kung saan ginahasa si Nyx. Inalis nya lahat ng gamit na naroon at tinapon. Sa sobrang pagod nya ay nakatulog na lang sya sa sofa habang nakaupo... Gusto nya pa sana linisin ang buong bahay kaso wala na syang lakas, sobrang pagod sya, sobrang nanghihina dahil sa nangyare ngayong araw. Napaka raming nangyare sa kanya, kay Nyx, sa pamilya nya. Kaya gusto nya lang matulog, matulog ng matulog hanggang sa mawala ang bigat at sama ng loob.

Hanggang sa makaranig sya ng busina mula sa labas ng bahay. Matutulog ulit sana sya pero nagising na ng tuluyan ang diwa nya dahil sa mga sunod sunod na doorbell Kinusot nya ng bahagya ang mga mata nya dahil sa hapdi. Nakapikit syang tumayo ng dahan dahan at binuksan ang pinto. Nakita nya sila Cornelius sa tapat kasama si Nyx...

"Yow! Buksan mo yung gate!" sigaw Ni Icarus

"may napag usapan ba kami ngayon?..." bulong ni Ethan ng makita nya na Kumpleto ang anim na gang "anong ginagawa ng mga lintik na toh dito?..." nag lakad sya papunta sa gate at binuksan iyon.

"natulog ka ng nakahubad? Sisipunin ka nyan" Sabi ni Reginald pero tinignan lang sya ni Ethan "gising ka pa ba talaga!? 8:30 na ng umaga"

"8:30? Parang kakapikit palang ng mata ko..." bulong ulit ni Ethan napansin nya na may dalang mga plastic bags ang bawat isa sa kanila.

"papasukin mo na kami... Mag luluto kami nila Angel at Ylona para makakain ang lahat bago mag linis" masiglang sabi ni Yuna

"papalitan ko na ang mga gauze pads at bandage mo sa katawan" sabi naman ni Leon na humakbang at tinulak sya paloob kaya pumasok na silang lahat.

Diretso lang si Nyx sa kwarto nya at nag kulong doon pero sinundan sya ni Icarus. Pero tulad ng dati dinadaan daan lang sya ni Nyx na parang hangin... Na tila wala sya doon. Lahat sila ay tila invisible sa paningin ni Nyx, hindi rin ito nag sasalita.

ICARUS POV

Nag karoon na naman ng isang napaka laking pag subok sa buhay ni Nyx... Ano ba talaga ang trip ng tadhana sayo? Nasasaktan ako ng sobra para na lang syang isang simpleng katawan na walang laman. Walang kaluluwang naninirahan sa loob. Durog na durog na sya at pilit pa ring dinidikdik ng panahon. Pinipilit na maging abo... Pero hindi ko hahayaan yun.

Pinag mamasdan ko si Nyx na kumuha ng tuwalya at nag lakad papuntang banyo.

"maliligo ka na? Ipag hahanda kita ng damit" saad ko pero parang wala syang narinig kaya ginawa ko na lang ang sinabi ko at pumunta ako sa tapat ng cabinet nya at dun kumuha ng mga susuotin. Isang pajama pants, sando, bra at panty. Inalagay ko yun sa kama. Sa huling pag punta ko dito ay hindi ko masyadong nalibot dahil pinanood namin ang video ng pamilya ni Nyx kaya ang ginawa ko ay hinalungkat ko ang ibang mga gamit nya. Tawagin nyo na akong paki-alamero at hihingi na lang ako ng sorry sa inyo.

Tinignan ko ang mga libro sa book shelf nya at nakakita ako ng fairy tale book.
"Grimm's fairy tales the moon..." basa ko dito. Hindi ko pa nakikita o babasa ang kwento nito... Kaya pinasadahan ko ng basa.

Hanggang sa naka tatlong page na ako ay nakakita ako ng picture doon. Dalawang bata... Si Nyx at isang batang lalaki. Kung huhulaan ko yung edad nila... Mukha silang sampung taong gulang. Nasuot si Nyx ng koronang papel at yung bata naman meron ding korona pati kumot sa likod nito para mag mukhang kapa. Mukha silang hari at reyna... Ang gandang pag masdan ng kasal kasalan nila.

Pero habang tinitignan ko ng matagal yung picture.... Nakakaramdam ako ng selos. Gusto ko rin makita yung ganitong ngiti ni Nyx. Pwede ko bang ipag pasalamat na wala yung batang lalaki? Dahil kahit picture lang ang nakikita ko feeling ko mawawarak yung puso ko pag nakikita ko na mag kahawak kamay silang dalawa.

Goodbye Agony Book 1Where stories live. Discover now