Chapter 30

159 22 1
                                    

NYX'S POV

Pag bukas ko ng pinto ay nakita ko na nasa sofa si Lelouch kasama sila Feist. Bakas sa mga mukha nila ang pag-aalala pero nawala yun ng makita nila akong pumasok sa loob.

"NYX!" sabay sabay silang napatayo at lumapit sa akin. Niyakap ako ni Lelouch ng mahigpit at puno ng pag-aalala.

"saan ka ba galing? Nag-alala kaming lahat sayo, alam mo ba yun? Bakit ka umalis ng di nag papaalam? Pwede naman kitang samahan kahit saan mo gusto ah! Hindi mo kailangan tumakas" naramdaman ko ang takot nya na mawala ako. Si Lelouch na tinuturing akong kapatid at parehas kaming mga ulila.

"ayus lang ako" agad syang bumitiw sa yakap na iyon.

"mabuti! Kumain ka na ba?" umiling ako.
"sige ipag hahanda kita. Nag luto ako" lumakad na sya at tinungo ang kusina.

Gabi na ako nakauwi pagtingin ko sa wall clock 8:35 na pala. Umupo ako sa sofa kasama sila Ylona.

"bumalik ka..." magagandang ngiti ang binigay sa akin ni Feist at nakatitig lang ako sa kanya.

Na miss ko sya...

Mabilis kong tinulak sya ng aakmang yayakapin nya ako. "lumayo ka!!!" ang kulit nya talaga.

"nag alala talaga ako ng sobra sayoo" pilit nya pa din akong niyayakap kahit na tinutulak ko sya. "hindi pa magaling yung sugat mo sa paa kaya Bakit ka umalis" nakapout pala sya habang sinasabi yan.

"tumigil ka nga!! Ilayo nyo nga ang taong to sa akin!" nung tumingin ako sa kanila ay maluha luha silang lumapit at dinumog ako para yakapin. "WTH!!! get off!! I can't breathe!!!!"

"nag-alala kaming lahat sayoooo waahhahaha" hindi ko sila lahat maintindihan dahil ang gugulo nila.

"anooo baaaa!!!!???" nag super saiyan na ako maalis lang sila sa pagkakayakap sa akin. Umupo naman sila ng maayos pagtapos nila mag drama.

"ang ganda ng bahay nyo. Medyo madumi nga lang" puna ni Angel siniko naman sya ni Yuna. "aw! Totoo naman eh"

"anong medyo? Talagang marumi to... Sobrang dumi" saad ko.

"Nyx, may date ka na ba sa Christmas party? Sa 23 na iyon" tanong ni Feist. Nang iinsulto ba tong baliw na toh?

"mukha ba akong sasali dun?" umay kong sagot.

"halaaaaaaa! Bakit? Sama ka na?" pilit nya.

"oo nga ate masaya yun!" - Tori

"Hell no" - me

"heaven yes!" - Feist

"I said no!"

"I said yes" bakit ba ang kulit ng lalaking to?

"I think wag mo na lang sya pilitin na pumunta sa Christmas party na yun kase.. May pupuntahan kami ng araw na yun eh" si Lelouch na ang nag salita Para sa akin. Kahit wala talaga kaming Pupuntahan. Sumuko na siguro sya sa pamimilit sa akin na sumama sa ganun. Kahit sa Christmas party ng company hindi ako sumasama.

"ganun ba? Sayang naman. Wala na nga pala tayong pasok sa Monday kase nag hahanda lahat ng mga officers para sa party bali 2 weeks ang vacation natin hahaha" kumuha si Feist ng juice na kakalapag lang ni Lelouch sa center table at ininom iyon.

"alam mo ate Nyx ang ganda ng bahay nyo.. pang Horror ang theme" kinurot ni Ylona si Tori. "aaah! Ang sakit! Pag si Angel siko lang tas kami ni Dart kurot! Hustisya please" reklamo nya.

"ang ingay mo kase eh" hahampasin dapat ni Ylona si Tori pero nasangga nya ito.

"pansin ko lang te wala kayong nga picture dito." tanong ni Yuna

Goodbye Agony Book 1Where stories live. Discover now