Twenty-six

15.7K 1K 182
                                    

*****


"Tell my grandfather we'll probably be late at the dinner. Or if we can't come, tell them sila na magplano ng kasal," utos ni Alden kay Leo bago siya naglakad palabas ng kompanya.

"Where are you going, Mr. A?"

"Dei hates me." Leo frowned. "I need to buy her flowers."

Agad na iniwan niya si Leo na nakatunganga sa lobby at patakbong pumunta sa naghihintay na sasakyan sa labas.

"Pwede mo naman kausapin. Nagtatampo lang iyong tao," gusto sanang sabihin ni Leo sa amo. "Oh, saan ka pupunta Kris?"

"Sa taas."



*****



Dei was silently crying herself out in one of the cubicle inside the women's? CR when she noticed a pair of a man's shoes on the tiled floor.

"Dei..."

"Jhake..."

"Kris told me everything. Nag-away kayo ni A?"

She sniffled before telling him in broken words, "Iyang kaibigan mo... nakakainis. Dapat ba talagang ipamukha niya sa akin kung gaano siya kegandang lalaki? Hindi dahil nakakalamang siya sa lipunan ay didiktahan na niya ako tungkol sa pagkatao ko. Hindi ko nga ikinakahiya ang sarili ko tapos sasabihin niya na ayaw niyang mapahiya sa publiko dahil sakin. Aba, malay ko ba na importante pala sa inyong mayayaman ang opinion ng mga tao. Eh wala naman akong alam sa buhay niyo. Ikaw pa lang ang pinakamayamang tao na nakilala ko bago si Mr. A..."

"A's too much, I guess..." He sighed. "Let me tell you a story when A was rendered... helpless. Nagsimula ito ng in-announce si A bilang CEO ng MUNDO sa publiko. The buzz immediately earned him as the "Darling of the Press" in the business world. Pinangalanan siyang Youngest CEO, Most Handsome Bachelor, MUNDO's Most Influential Image, at kung ano pang makukulay na titulo sa kanya. Ultimo mga nakaka-date niya dati, nalalathala agad sa media. Dumating sa punto na pati mga kabaliwan namin dati sa hayskul at college, inungkat ng mga reporter para lang magkaroon ng bagong balita tungkol sa kanya."

"I didn't know about the last part..."

"Hindi naman ganun ka-scandalous ang kabaliwan namin magkakabarkada dati, but the press made it look like it. It was a total chaos, Dei. It was a phenomenon that immediately ended when the Faulkersons had no choice but to use their money and power. Dahil diyan kaya nabuo ang grupo ni Kristoffer na laging nakabuntot kay A saan man ito pumunta dito sa syudad."

Dei silently wiped her tears; she wasn't ready to hear this kind of info.

"I'm sure A's intention was not to insult you. Siguro hinahanda ka lang niya sa mangyayari sa'yo once you officially become a Faulkerson's wife. You're not exactly keen at reading people's real intention and Alden's not used to acting gentle. Ikaw pa lang ang babae na minaha - I mean, pinakitaan niya ng concern. Pagpasensyahan mo na lang muna ngayon ang kaibigan ko..."

Dei stood up, pulled her skirt up, and flushed the water closet. Then she walked out of the cubicle and gazed at Jhake. "Teka lang, maghuhugas muna ako ng kamay tapos i-ha-hug kita."

Jhake chuckled. "Ayoko ko nang magpayakap. Lumabas ka na diyan."

"Hmp! Ang arte..."

Jhake walked out of the comfort room and soon enough, Dei followed. Pupuntahan niya sana ito sa office ng mahinto siya pagkakita kay Alden na nakatayo sa harap ng mesa niya, hawak ang isang malaking bouquet of roses.

Million Dollar GirlWhere stories live. Discover now