Seven

15.2K 944 221
                                    


Agad na ngumiti si Dei pagbukas ni Jhake ng pinto sa bahay nito. Mas gwapo ito kapag nakadamit pambahay kaya marami siyang stolen pictures nito sa tuwing bibisita siya dito. Binibenta niya ang mga iyon sa mga fangirl nito sa kompanya. Now that she's back in his place again... kikita na naman siya ng malaki!

His eyes gazed down at the plastic bags she was holding. "Pinag-grocery mo din ako?"

"Hindi ah." Agad na pumasok sa loob si Dei at dumiretso sa kusina. "Ingredients 'to. Magluluto na lang ako. Nagkuwenta ako sa magagastos ko, eh mas tipid pala ang magluto kesa bumili sa Concha's. Kaya heto..."

"But you're not an excellent cook," reklamo ni Jhake sabay kuha ng water bottle sa ref.

"Ang choosy mo! Nilulutuan na nga, maghahanap ka pa ng lasang payb star..." wika ni Dei sabay binulabog ang mga cabinet para sa mga materyales na kakailanganin.

Tinungga nito ang tubig habang nakasandal sa ref at pinapanood si Dei sa ginagawa. "Linisin mo 'tong kusina pagkatapos ha?"

"May dishwasher ka naman. Kaya mo na iyan."

"But I'm sick."

Huminto siya saglit sa paghuhugas ng karne at tinignan ito mula ulo hanggang paa. "Hindi halata. Masakit ba talaga iyang balakang mo?"

"Sobra. Maybe I should make you pay my medical bills-"

"Sir Jhake, why don't you sit and make yourself comfortable there... sa maganda mong living room?" ngiting suhestyon niya sa amo sabay pakurap-kurap ng mga mata.

Jhake chuckled and opened his right palm at her. "Not until you give me your phone. Akala mo hindi ko alam..."

Napasimangot agad si Dei at ngumuso sa itim niyang shoulder bag sa kitchen island. "Kunin mo dun..."



*****



Habang kumakain sila ng hapunan, biglang napatanong si Jhake sa pinag-usapan nila ni Mr. A kanina.

"Amin na lang iyon, Jhake. Nahihiya akong sabihin."

"Nahihiya?!" He almost choked on his food. "Kailan ka pa nahiya, Dei? Come on, tell me. Maybe I can do something to help."

"Naayos naman. Binigyan lang ako ng warning." Then she slowly smiled. "Pero matutulungan mo ako sa ibang bagay..."

"Saan?"

"Papicture sa'yo habang kumakain? Mga sampung pictures, okay na ko." She grinned.

"No way."

"Please??? Matumal ang negosyo ko ngayon."

"Gawan mo ng paraan iyan. Magaling ka naman sa pagreresolba ng problema. Kaya nga hindi pa kita pinatalsik kahit ganyan ang ugali mo."

"So may balak ka palang patalsikin ako?!" She huffed. "Ang sama mong boss."

"Aba, ako? Come on, ako lang ata ang boss na magtatagal sa work ethics mong 'yan, Dei," he chuckled and it annoyed Dei even more.

"Tumpak ka diyan," sabi na lang niya.

"Ay, Jhake..." Nahinto na naman sa pagkain si Jhake at tinignan siya. "Narinig mo na ba mag-thank you si Mr. A?"

"Yes. Whenever the employee gives an excellent contribution to the company. Pero minsan lang nangyayari iyon. Bakit?"

Million Dollar GirlWhere stories live. Discover now