Three

15.9K 953 112
                                    

*****

Thank you sa mga nag-comment at vote sa last chapter! Dahil sa contribution niyong iyan, agad na napasali sa Fanfic ranking ang MDG. #Blessed

Para akong nakatanggap ng malaking sahod hahaha...

*****


"Alam mo ba kanina, habang pinapaliwanag ko kay Sir Jhake ang project proposal ng team ko, sinabihan niya ako na matapang daw ang amoy ko! Eh hindi ko naman pinanligo ang pabango na binili ko sayo!" Coleen slapped her friend hard on the arm. "Buwesit ka, Dei. Sabi mo paborito ni Sir Jhake ang amoy nun. Eh, bakit ganun siya? Gumagana na naman iyang lahi mo nang pagiging Instik."

Dei caressed the slight sting in her arm and smiled. "Walang refund."

"Uy, less hyper ka ata ngayon," her friend observed.

They paused their chat to order a cup of coffee on the counter and looked for a table to sit in.

"Mukhang ikakasal ata ako," Dei worriedly uttered once they settled in their seats.

Humagalpak sa tawa si Coleen. "Mukha mo! Eh hindi ka pa nga nagkajowa!"

"Aray. Hindi ba pwedeng pinipilit akong ipakasal sa lalaking hindi ko pa kilala?"

"Ano iyon?! Arranged marriage?" Coleen now clapped like a seal while laughing, unperturbed by the number of eyes staring at them. "Kanino ka ipapakasal? Sa artista? Sa anak ng Presidente? Sa mayamang negosyante?!"

"Ang sarap isaksak nitong mga tissue sa bunganga mo, bes." Pinandilatan niya ito kaya unti-unting napapakalma si Coleen.

"Ang sakit ng tiyan ko. Buti niyaya kitang mag-breaktime."

"Buti sana kung ang mapapangasawa ko katulad ni Jhake na may apat na M," himutok niya.

"Malay mo naman..."

Napangiwi si Dei. "Halleeeer! Mabait, mayaman, at magandang mukha... sa tingin mo mangangailan pa sila ng isang arranged marriage?! Hindi sila mahihirapang maghanap ng mapapangasawa na ka-level din nila uy. Bakit pa aasa ang katulad ko sa ganun."

"Gaga, kilalanin mo muna iyang magiging asawa mo bago ka mag-inarte." Coleen grinned when the bartender called their names for their order. Agad silang tumayo para kunin ang kape nila.

Dei's phone lit up when a new message arrived. Binasa niya ang memo ni Jhake at nagpaalam agad kay Coleen. Hinahanap kasi siya ni Jhake dahil may biglaang meeting daw mula sa itaas. Hindi pa pala niya naibigay dito ang binuong Monthly Sales ng subsidiaries ng MUNDO.

Dahil sa pagmamadali, tinahak niya ang daan ng VIP elevator at mabilis na ipinasok ang sarili sa maliit na espasyong natira bago ito tuluyang sumara. She held her cup of coffee tightly in the air as she found herself losing her balance and falling from her quick entrance.

A pair of strong arms immediately caught her waist and prevented her from the fall. Nang tumingala siya para pasalamatan iyong tao, agad na kumawala ang kaluluwa niya sa katawan.

"Mr. A..."

He released her quickly when she gained back her composure and fixed his black suit.

"Mag-ingat ka sa susunod," sabi nito sabay tingin sa harap.

Dei shut her eyes tightly and stepped further at the back. "Pasensya na po, Mr. A. Pasensya na po..."

His eyes moved to watch the reflection of the petite girl in his back.

Million Dollar GirlWhere stories live. Discover now