15: To make the long vacation short

Magsimula sa umpisa
                                    

Pero sa halip na sigawan din ako ni Alfred dahil nagseselos ako, narinig ko na lang na tumawa sya. Anong nakakatawa?

"I'm happy that you're being selfish when it comes to me pero you have nothing to get jealous about. Nancy and I have been office buddies eversince nagsimula kaming magkatrabaho. Sabay kaming natanggap sa trabaho kaya hindi malabaong sya talaga yung maka-close ko."

"Ok, I understand that part. Yung time lang ang hindi ko maintindihan."

 

"I'm sorry."

 

"I forgive you."

.

.

.

.

[wala na akong maisip. Masyado ng mahaba ang trip na 'to. UWIAN NA! UWIAN NA!]

Ang saya nung trip. Ok. kung itatanong nyo kung ano pa ang nangyari? Simpleng trip lang yun. Medyo napaaga ang uwi namin ngayon. Tinamad na kasi ako. diba dapat 1 month yun? Sabi ko umuwi na kami after 2 weeks. Ayoko nga kasi dun.

"Bes, sunduin kita ah.." sabi ni Alfred bago ako bumaba sa sasakyan.

"Yeah, sure. Ingat ka." sabi ko naman at bumaba na sa sasakyan. Umalis na rin sya pagkababa ko.

Ang simple noh? Wala man lang, I love you at good bye kiss. Hay... 

"Hi mare!" nagkita muna kami ni Syn sa isang coffee shop malapit sa pinagtatrabahuhan namin.

"OY! Ano na?" 

 

"Wala naman. Kumusta ang honeymoon?  Ang aga nyo ata?" 

 

"Wala eh. Tinatamad ako dun tsaka basta.. di ko trip."

"Chinika ako ni Tess, yung kakalase natin sa college na katrabaho mo, may bago ka raw na Office Buddy at Hottie daw yun."

 

"SUS! May mas hot pa ba sa asawa ko? Wala na noh. Pero thanks sa info, ma-me-meet ko rin sya later." I sipped my coffee.

"Ganyan ka naman. Teka, ano na balita senyo ni Alfred? May sinabi na ba sya sayo?"

 

"Ano bang sasabihin nya?"

 

"Duh?! Yung matagal mo ng hinihintay na sabihin nya sayo.. yung 'ILOVE YOU BLAIR WITH ALL MY HEART'.. ano?"

"Naku, di pa."

 

"HUWAT?! Ang hina mo mare, hindi mo pa mapasagot si Papa Alfred!"

"Anong magagawa ko? Eh nahihiya naman akong itanong sa kanya. Tsaka... I'm ok with how he treats me right now. Alam mo yung MU? Kami yun eh.. HIHI.."

"Yakz Mare! Teenager lang? MU MU ka pa nalalaman eh asawa mo na nga at bloated ka na jan sa bby nyo. MU pa rin? Di ba pwedeng next level na?"

"Next level? May mas ne-next level pa ba sa..." naalala ko lang yung nangyari. Ahee~ sabihin ko ba kay Syn? Nakakahiya. Wag na lang. XD

"Saaa???"

"Wala! Ahaha.. basta happy ako ngayon. teka, wala ka bang... pasok?"

"Meron.. Una na ako ah..."

Umalis na si Syn at ako naman umakyat na rin sa building namin.

Pagkaakyat ko....

"Wow, Blair. Preggy na preggy na ang look ah.."

"Mommy Blair! Looking pretty ah.."

"Siguro Baby Girl yan.. maganda si Mommy eh."

Naka-maternity dress na kasi ako. Ayoko na rin kasi namang magsuot ng pants, ang sagwa ko na tingnan. Ahee..

Pagkaupo ko sa table ko, may lumapit agad sakin. Hottie?!

Ay ano ba yan Blair?! Buntis ka na, kire ka pa rin?!

"Hi, Ikaw si Blair?" tanong ni Hottie.

"Yep, and you are?" I gladly answered.

"I'm your  new office buddy, Troy Cervantes." then he pulled out his hand.

"Oh, so ikaw pala yun. Hi, Mrs. Blair Angelica Ricardo Ocampo." then shook his hands.

Naman ha! For a big man, his hands are soft. At ang bango nya.

OH EM BLAIR! Stop it! Nagtataksil ka sa asawa mong gwapo at mas gwapo kay Troy!

----

si TROY! :D

Shotgun Marriage [w/ Compilation; No Soft Copy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon