WTHBA 11: Cold

5 0 0
                                    

Christian Yam Pov

Kanina pako dito kila Kim pero hanggang ngayon wala padin sya. San naman kaya pwedeng pumunta yon?

"Totoy wala padin ba ang bestftiend mo?" sabi ni tita Kimberly. Ang tagal na naming magkakilala pero totoy padin tawag nya sakin. Binata nako eh.

"Wala pa po tita eh? Hindi po ba nagsabi sa inyo kung san sya pupunta?" nag aalala kong tanong

May inabot sya saking isang sticky notes. Iniwan daw sa ref ni Kim bago umalis.

"Ma balik din ako agad meron lang akong dadaanan ha? Loveyou!" may heart pang drawing saka smiling face.

"Dadaanan? San naman po sya may dadaanan tita?" pagtataka ko.

"Aba'y hindi ko alam sa batang yon. Wala ka bang alam na pwede nyang puntahan? Sa mga classmate nyo ba?" habang nag luluto sya.

Puntahan? San naman kaya sya nagpunta? Porket sinabi ko lang na hindi ako pupunta eh naglayas na agad. Humanda talaga sakin yong pabebe na yon.

"Hanapin ko nalang po sya tita. Anong oras nadin eh?" aalis na sana ako pero pinigilan ako ni tita Kimberly.

"Dito ka nala-ang. Baka pauwi na yon. Saka san mo naman sya hahanapin? Nag aagaw liwanag dilim na din sa labas. Hinatayin nalang natin sya" tuloy padin sya sa gawain nya. Hindi ba sya nag aalala kay Kim? Hays.

"Nag aalala lang ako tita" bigla syang tumingin sakin at umiling. Tapos balik ulit sya sa gawain nya.

"Ikaw talaga totoy hahaha. Halika't sumabay kana saking kumain. Luto nadin tong mga niluto ko " nakangiti na sya ngayon.

"Kakatapos ko lang din po kumain tita. Eatwell po. Hintayin ko lang po sa sala si Kim" nakangiti kong sabi. Ang bait talaga ng mommy nya. Nakakagaan lang ng loob.

Hindi ako mapakali sa kinakaupuan ko. Sinubukan kong ituon sa iba yung sarili ko pero si Kim padin nasa isip ko. Sana talaga pauwi na sya. Maya maya bigla tumunog yung gate.

"Mi andito napo ako!" sigaw nya.

"Anjan na pala sya totoy. Puntahan mo na at pagbuksan mo ng pinto." nagulat nalang ako kay tita. Nasa tabi ko na pala sya.

Agad akong pumunta sa pinto. Wala nang ano ano agad ko syang niyakap. Batid ko naman na nagulat sya sa ginawa ko. Hindi na talaga sya nasanay. Kumalas ako tapos tinignan ko sya sa mata nya at halata ko naman na nagtataka sya.

"San ka ba nagpunta! Alam mo bang kanina pako nandito!" sige ako nang OA.

"Christian pagod ako." tipid nyang sagot.

Iiwas na sana sya sakin pero bago pa sya makalampas sakin hinawakan ko yung braso nya para iharap ko sya sakin. Teka? Galing ba sya sa iyak? San ba talaga sya galing! Ts.

"Okay kalang ba?" kinalma ko yung sarili ko. Ayokong sumabay. May tampuhan pa kami neto eh. Tumango lang sya sa tanong ko. So hindi nga sya okay? May nangyari kaya? Psh.

"Alam kong di ka okay Kim. Anong problema? San ka ba talaga pumunta?" kinakalma ko lang sarili ko kahit medyo naiinis nako.

Hindi sya umimik. Parang wala na naman sya sa sarili nya. Ang weird nya na naman.

"Pabi?" medyo inalog ko yung balikat nya.

"PWEDE BA CHRISTIAN?! UMUWI KA NALANG!!" sinigawan nya ko bigla. Galit padin ba sya sakin? Lintek naman!

Ano bang nangyayari sakanya? Oo. Masungit sya pero iba na yung ngayon eh. Kung may problema sya, ang gusto ko lang naman yung magsasabi sya sakin. Bakit ba pinaparamdam nya sakin na parang iba ako sakanya. Ts -_-

When the heart beats againWhere stories live. Discover now