WTHBA 16: Bestfriend

10 0 0
                                    

Jennie Sy Pov

Nagising ako sa alarm ng phone ko. Maga padin ang mga mata ko hanggang ngayon. Dumiretso ako sa cr at tumingin sa salamin.

"Ganon nalang ba yung pag aalala ko sa aso ko at namaga ng bongga ang mata ko? Hays" kausap ko ang sarili ko

Nag asikaso na ako ng sarili ko para makapasok nadin ako. Monday ngayon kaya bawal malate. Kakamadali ko, natalisod ako dahil sa isang bagay na matigas sanhi naman para mabukulan ako sa noo ko.

Hinilot ko ito ng bahagya sabay tinignan yung bagay ng sanhi ng pagka talisod ko. Yung sapatos lang pala ni "M.D" tsk!

"Ikaw! Matapos mong kunin ang aso ko tas ngayon bubukulan mo pa ako! Kapag sinuswerte ka nga naman!" Sinipa ko ang sapatos at tumakbo nadin papunta sa kusina

Mula sa kwarto ko amoy kona ang niluluto ni mommy. Hindi na ako nakakain kagabi dahil nadin sa pag iwas ko sakanya. Ayoko na mag alala pa sya kapag nalaman nya ang nangyare kagabi.

"Mom-!" Napahinto ako sa nakita ko

Pato? Anong ginagawa mo ng ganitong kaaga talaga? Abnormal na to -.-

"Kumain kana jan" habang sinasalin ang niluluto nya

"Anong gina--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko at pinutol na ng isang to

"Malelate tayo kung madami kapa dyang itatanong. Dalian mona. Kain" utos nyang sabi

Ayaw na ayaw ko talaga sa lahat yung hindi pinapatapos yung sasabihin ko eh! Wala din naman ako nagawa at sumunod nalang sakanya. Kaya pala malamig kasi may malamig na tao sa harapan ko hays

Matapos namin kumain, chineck ko ang oras at dipa naman ganon kalate para mahuli sa klase

"Pato!" Tawag ko

"Oh?" Cold -_-

"Problema mo?" Taka kong tanong

"Sakay na!" Inabot nya sakin ang helmet

"Ayoko! Maglalakad nalang ako!" Pagtanggi ko sa alok nya

"Pabi?!" Pilit nya itong inaabot

"Di moko madadaan sa pag iinarte mo Christian! Kapag ayoko. Ayoko! Mamaya isemplang mo pako tss!" Nagsimula na ako sa paglalakad

Narinig ko yung pagreact nya sa sinabi ko pero hindi ko na para pansinin. Monday ngayon. Hays!

"Kim!" Sigaw nya

"Bahala ka sa buhay mo" bulong ko sa sarili ko sabay sumiring

Maya maya narinig ko ang ingay ng motor nyang papalapit sakin. Nanatili akong naglalakad habang nakasunod naman sya.

"Nag alala lang naman ako Kim" bigla ako napahinto sa paglalakad gayundin ang pagtigil ng isang to.

"Wala ka bang balak magsabi sakin kung ano na bang nangyayari sayo?" Agad ko naman syang nilingon at nagulat ako dahil bakas sa muka nya yung pag alala. Weird.

"Titignan mo nalang ako? Sige okay lang bas--" pinutol ko ang pagsasalita nya. Lumapit ako sabay kinuha ang helmet nya. Sumakay ako at sinuot narin ito.

"Ayoko malate para lang magkwento sayo pero kung gusto mo talaga malaman, icecream muna? Deal?" Pang aasar ko

"Pabi naman! Muka ba akong nagbibiro dito!" Ramdam ko yung pagkadismaya nya

"Oo mamaya! Kukwento ko sayo, pero ngayon umalis na tayo at baka parehas pa tayong malate. Kwarter na oh!" Kinurot ko yung tagiliran nya pero mahina lang naman

"Hays okay" umiling nalang sya sabay pinaandar nadin ang scooter nya

Hindi kaya napansin nya na mugto mga mata ko? Hays di ka talaga marunong magtago selp!
Pero minsan iniisip ko na inlove na to sakin eh. Kaso, hindi ba nya nareceive yung text ko kahapon? Abno talaga -_-"

When the heart beats againDove le storie prendono vita. Scoprilo ora