WTHBA 17: Ointment

6 0 0
                                    

*3 days after*

Jennie Sy Pov

Dumampi sa muka ko ang simoy ng hangin. Kwentuhan at tawanan sa paligid ang aking naririnig. Nandito ako ngayon sa mini park para mag aral. Gustuhin ko man sa library pero hindi na baka andon pa ang magiting kong kalaban. Ayoko muna magambala ang araw na to. Gusto ko ng kapayapaan.

"Pabi!" Kilala ko na agad kung sino ang pangit na sumigaw. Lumingon ako sa direksyon nya at nakita ko syang may dalang paper bag.

Tinignan ko lang sya ng may pagtataka sa aking muka hanggang sa nakalapit na sakin si Christian.

"Ano yan?" agad kong kinuha ito at tinignan ang loob

"Hollow blocks pabi" pilosopo nya

Sinimangutan ko sya kaya agad naman nya itong binawi

"Oh! Oh! Joke lang eh! Dinalhan kita ng pagkain kasi tumawag sakin si tita na di ka daw kumain bago umalis" sabay nagsmile sya sakin

Hindi kami sabay nakapasok ni Christian. As I expect kasi susunduin nya ko pero anong oras na wala pa sya kanina kaya nagdesisyon na ako pumasok mag isa. Hindi nadin ako kumain dahil 30mins nalang before mag start ang klase namin

"Thank you! Bakit di ka sumipot? San ka na naman nagpunta?" Inis kong tanong

"Naplatan ako pabi saka nakalimutan ko din dalhin yung cp ko kaya di na kita na update. I'm sorry" nakangisi nyang sabi habang nagkakamot ng ulo

"Totoo?" Dinilatan ko sya ng mata

"Oo nga! Gusto mo puntahan pa natin yung vulcanizing na pinagawan ko eh!" Sabay kumindat sya

"Hay nako pato! Magbago kana nga patotoy kapa din!" Siniringan ko sya sabay iniling ang aking ulo

"Ikaw pabi, pabibe padin!" Sabay ginulo nya ang buhok ko.

Inayos ko ang pagkain na dala ni Christian. Adobo at kanin ang dala nya. Sabay kaming kumain dito sa Mini park dahil breaktime din naman namin. Nung natapos na namin ang pagkain. Inayos nya narin ito at inabutan ako ng tubig.

"Alam mo pabi ang sarap talaga magluto ni mama no?" Tinignan ko sya ng may pagtataka.

"Oo masarap talaga magluto si Mom--- Mama?" Pag iiba ko ng tugon

"Ibig ko sabihin, mama mo. Maganda ka sana bingi ka lang!" Sabay tumawa sya.

Walang kinalakihan na magulang si Christian. Nakilala ko syang lumaki sa lolo at lola nya. Never padin namin napag usapan ang about sa parents nya dahil wala din naman nakukwento sakanya ang lolo at lola nya. Kaya never nadin ako nagtanong about dito at ayoko lang syang malungkot. Tinignan ko sya ng may halong pagtataka.

"Alam mo pwede mo naman sabihin sakin na gusto moko! Pero uunahan na kita wala ka pag asa sakin! Ayoko sa abnormal" iniwas ko ang tingin sakanya habang sinasabi iyan

"Hays! Akala ko ako lang yung malakas ang fighting spirit. Ikaw din pala!" Tumawa padin sya

"Kapal ng muka mo! Jan kana nga!" Sabay nagwalk out ako.

Nagtuloy tuloy lang ako sa paglakad. Nagmamadali ako papalayo sakanya habang naririnig ko ang pag sigaw nya.

"Hoy pabi! Joke lang naman eh!"

"Pabi! Ano ba Kim! Wait!"

Binilisan ko lang ang lakad ko. Hanggang sa bigla nalang ako nabunggo sa matigas na bagay sanhi para mapaupo ako sa lapag

"Oooooh" narinig ko mula sa paligid ko

"Miss are you okay?" Yung nabunggo ko lang naman

Hinawakan ko ang ulo ko gayundin ang pwet ko na medyo masakit. Bigla nalang ako nagising sa ulirat ko nung maamoy ko ang pabango mula sa lalaking nasa harap ko. Kaya agad akong tumingala sakanya.

When the heart beats againWhere stories live. Discover now