WTHBA 10: The Mystery 4

4 0 0
                                    

Jennie Sy Pov

Inabot nako ng tanghali dito at madami dami na naman akong nalaman tungkol sa apat at rason kung bakit ako ngayon tinutulungan ni Yassi. Medyo magulo padin sakin lahat kasi hindi halata sa muka nilang apat na kaya nilang gumawa ng ganong bagay. Oo, pwedeng aksidente padin ang lahat kasi mga bata pa naman sila non pero kasi maling mali eh. Aminado naman ako na gwapo talaga silang lahat kaya hindi ko maipagkakaila kung bakit sila sikat at kung bakit sila binansagan na block 4 kasi nga daw Gangster sila.

"Punta tayo sa kwarto ko. May ipapakita pako sayo" yaya nya sakin. Akala ko tapos na meron pa pala.

Ano na naman kaya yung ipapakita nya. Ang bossy nya pero wala nakong ibang nagawa kundi ang sumunod nalang. Nung nakapunta na kami sa kwarto nya may inabot sya saking kahon. Pagkaabot nya sakin naupo kami sa kama nya para makita ko nadin ang laman nito.

"Mga gamit ng lalaki 'to ah? Sa lil bro mo ba 'to na si nathan?" pagtataka kong tanong.

"Nope" tipid nyang sagot.

Tinignan ko isa isa. May bracelet dito, may name sya pero hindi ko na mabasa. Dala nadin siguro ng pagkaluma. May kapirasong papel din dito at may marka pa ng dugo. May nakasulat na "Silent Kill". Ano naman kayang trip nila at nagawa nila yon? Ang sasama nila! -_-

"Siguro gamit nila yan. Kinuha ko yan lahat sa crime scene bago pa may makakita na iba" pagbabasag nya sa katahimikan.

"Pero sigurado ka bang kanilang lahat 'to?" pag aalinlangan kong tanong.

Kinuha nya yung kahon at kinuha nya yung bracelet. Inabot nya sakin dahil may pangalan daw na nakasulat don.

"Andrade Lim" gulat na gulat kong basa O.O nanlaki nalang ang mata ko sa pangalan na'to.

"Sana talaga hindi ko nalang nakita yan para hanggang ngayon hindi nako binabangungot ng kahapon" malungkot nyang sabi.

"Pero" yan nalang nasabi ko. Hindi ako makapaniwala. Tinatakot nya ba ako? Huhuhu O.o

"Walang pero pero. Makinig kang mabuti sakin Kim Jennie" tumingin sya sakin ng malalim.

Parang ayoko ng ganto. "Hanggat nasa tabi mo ko, walang ibang pwedeng manakit sayo. Hindi ko hahayaang pati ikaw mapahamak dahil lang sa gusto nila makaganti. Hayaan mo kong tulungan ka." nakatingin padin sya sakin.

Ngayon palang gusto ko nang umiyak pero ayokong ipakita na mahina ako. Dapat maging malakas lang ako.

"Gusto ko pa sila mas na makilala" yan nalang nasabi ko.

"Hindi pa ba sapat sayo lahat ng sinabi ko?" pag uusisa nya.

"Simula kay Andrade Lim hanggang sa mga kagrupo nya at ang tungkol sa block 4 na yan!" hindi ko na nakontrol yung boses ko.

Kinuha nya yung laptop nya tapos nag open sya ng isang site. May sinearch sya pagkatapos pinakita nya sakin.

"Abel Martinez, playboy at wala pang ni isang naging matinong girlfriend. Gwapo sya dba? Ginagamit nya yang muka nya para makauto ng babae. Madalas nyang pinupuro yung mga babaeng nagkakagusto sakanya, yung malalambot ang puso. Kapag ngumiti na sya makakaramdam ka nalang ng panghihina. Kaya dapat hindi ka magpapadala sa mga ngiti nya. Mag ingat ka din sa mga galaw nya, sa pagkindat or sa mabubulaklak nyang salita. Dyan palang pwede ka nang mabitag."

Kinuha nya ulit yung laptop at nagsearch ulit sya. Gwapo tong si Abel. Nakita ko na kaya sya? Nvm.

"Marco Diaz, pinaka matalino sa apat. Matulungin sya. Sya yung laging hadlang kapag may plano ang block 4. Ewan ko kung bat nasama sya sa grupo siguro dahil nadin sa gwapo sya. Chixboy sya pero di lantad. Good kisser daw? Friendly sya pero tahimik naman. Mag ingat ka din sa kanya kasi muka lang anghel yan mamaya may evil side din pala sya."

When the heart beats againWhere stories live. Discover now