WTHBA 23: New beginnings

6 0 0
                                    

Jennie Sy Pov

"Jennie" hinawakan nya ang kamay ko sanhi para mapalingon ako sakanya.

"Hmm?" tugon ko sakanya at tinignan sya na may pagtataka sa muka

"I think I fell in love with you" hinawakan nya ang pisngi ko at dahan dahan itong hinimas gamit ang thumb nya

"H-huh?" iniwas ko ang tingin sakanya

"Jennie, can I love you?"

"Andr--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko

Naramdaman kong hinawakan nya ang muka ko at dahan dahan nyang nilapat ng labi nya sa labi ko.

--

"Kim! Anak!" Nagising ako sa kurot ng nanay ko.

Minulat ko ang mata ko dahil sa sakit ng kurot nya. Nakita ko si mommy na nag aalala kaya napaupo ako agad at para kumpurmahing panaginip lang lahat

"Mi?! Panaginip lang?!" niyakap ko sya agad

"Ano bang nangyayare sayong bata ka? Para kang asong umuungol na hindi ko malaman!" Hinampas nya ang likod ko ng bahagya

"Isa pa nga mommy! Sa muka naman! Dali" kinuha ko ang kamay nya at nilapat sa muka ko

Bigla naman nya itong tinapik tapik. WAAAAHH! >__< Nanaginip ka lang girl! Hindi totoo! Salamat rold! Salamat ng sobra! AAAACK!!

"MOMMY! NANAGINIP LANG AKO! AKALA KO TOTOO! PANAGINIP LANG PALA LAHAT! YES!" sabay pinisil pisil ko ang pisngi ni mommy

"Ano bang nangyayari sayo? Pwede ba malaman ng mommy yung panaginip mo para magtatalon ka jan?" Nagtatakang sabi ni mom

Tinapik tapik ko ulit ang muka ko. Kinurot ang ibang bahagi ng katawan ko. Sheyt! Lahat ay panaginip lang! Akala ko totoo na! Pero, bakit ko napanaginipan yung gago na yon! Pati sa panaginip ko pagtitripan nya ko?! Monggi talaga!

"Wala Mi ang importante hindi totoo lahat!" Niyakap ko ulit sya

"Osya kumilos kana. Anong oras na malelate kana" tinapik tapik nya ang likod ko

Tumango lang ako at binigyan sya ng halik sa pisngi. Kumilos na ako at nag asikaso ng iba ko pang gamit. Pagkatapos ko pakainin si blue. Kumain nadin ako para makapasok na.

"Masyadong busy si mamay blue. Babawi ako ah? Pero hindi pa sa ngayon" hinalikan ko ang noo nya at nagpaalam.

"Mommy pasok napo ako ah! Labyu!"

"Okay anak ingat!" sigaw nya

Lumabas na ako ng bahay at nilock ang gate namin. Chineck ko ang selpon at puro messages lang ni Pato ang notification ko.

"Saka mona ako kausapin kapag matino nadin pag iisip mong pato ka!" Sermon ko sa selpon ko.

Pero hindi ko padin matiis yung bestfriend ko. Kahit siraulo yon syempre nandito padin yung pag aalala ko. Alam ko naman na hindi sya papabayaan ni Yassi. Pero. Hays ano ba to puro pero nalang selp -__-"

(To Yassi)
"Yaz kamusta na si pato? Pasensya na sa attitude ko kahapon. Masanay ka na lang samin. Normal na yon hehe" -sent

Tinitigan ko muna ang message ko kay Yassi, umaasa na baka magreply sya pero hindi sya agad nagreply. Wala na akong nagawa kundi ibulsa ang selpon ko.

"Hays. Sige na mamaya bibisitahin na kitang pato ka! Pasalamat ka talaga bestfriend moko! Ts" kausap ko ang sarili ko

*Beeeeep Beeeep*

"AY ASO!" nagulat ako sa nagbusina sakin. Kaya tinignan ko ito.

"Hobby mo ba na lagi kausap ang sarili?" Marco.

When the heart beats againDonde viven las historias. Descúbrelo ahora