WTHBA 18: Troublemaker

5 0 0
                                    

Jennie Sy Pov

Kanina pa tunog ng tunog ang selpon ko dahilan para magising ako sa pagkakahimbing ko sa pagtulog. Chineck ko ito at tinignan.

(8 missed call from Pato)

Napaupo naman ako at tinignan ang oras. It's 4:20am in a morning. Ano na namang trip ng isang to? Inaantok pako! Gusto kopa matulog.

Nagsilent ako ng phone at sabay nadin ng pagpikit ng mata ko. 15mins pa, iidlip na muna ako. Maya maya naramdaman ko na naman ang pagvibrate ng selpon ko. Aaaack! Pato!

Chineck ko ito at nagmessage sya sakin

(To: Pato)
"Papunta na ako jan. Wait moko after 10mins"

Napaupo ako agad dahil sa nabasa ko.

"Ayt! Napakaaga naman patooo! Inaantok pako!" Pagdadabog ko

Nireplyan ko naman sya ng "okay" para di na sya mangulit. Kumilos na ako at timing naman ang pagdating nya dahil tapos nadin ako maligo. Bumaba ako dala ang mga gamit ko ng chineck ko ang sala kung andon ba sya, pero wala. Nagtungo ako sa kusina at nakita kong natulong sya sa Mommy ko sa gawaing kusina

"Good morning mom, pato" bati ko

"Hi baby! Good morning! Bakit parang puyat ka na naman? Hindi kaba nakatulog ng ayos?" Agad natuon ang tingin ko kay Christian sabay tumingin ulit kay mommy.

"Maaga ako nakatulog mommy. Bitin lang sa tulog gusto ko matulog maghapon" sagot ko sabay naupo.

"Pabi ano gusto mo? Cold or hot choco?" Tanong nya

"Tubig nalang. Wala ako sa mood uminom ng kahit ano" walang gana kong sagot

"Okay ka lang ba anak?" Lumapit sakin si mommy at hinawakan ako sa ulo at leeg

"Anak may lagnat ka. Papasok ka ba? Wag kana kaya pumasok magpahinga ka nalang" Nag aalalang sabi ni mom. Lumapit sakin si pato para icheck ako.

"Pabi may sakit ka. Ako na bahala na ipalaam ka" sabat naman nya after nya ko macheck

"Okay lang ako. Hindi naman ganon kalala. Nakaligo pa nga ako oh. Ayoko magskip ng class malapit na Final exam eh" kombinsido kong ngiti para mapaniwala sila

"Sure ka ba anak? Ipapaalam ka naman ni Christian kung di mo kaya" hinawakan nya ulit ako

"Oo nga pabi" sabat nya uli

"Kaya ko po mom. Saka andyan si pato alam kong di nya ko papabayaan. Dba?" Tinignan ko sya at tinaasan ng isang kilay

Nakita ko ang pagbuka ng bibig nya at ipinahiwatig na ang tigas daw ng ulo ko. Nung nakita kong lumingon sakanya si Mommy naghudyat ako sakanya na umoo sya at inakma ko ang kamay ko na kukutusan ko sya kung aangal pa sya

"Opo tita ako napo bahala." Ngumiti sya kay mommy at kumunot ang noo nya sakin

Nginitian ko lang silang dalawa kahit sobra akong nakakaramdam ng antok. Hindi ko alam na may sakit pala ako. Manhid.

Pumasok na kami ni Christian. This time maaga kaming dalawa. Dahil maaga nya din ako sinundo kaya ano paba ieexpect ko. Naglalakad kami sa hallway ng bigla nyang binasag ang katahimikan

"Kamusta na yung pwet mo? Masakit paba?" Bigla ako napahawak sa pwet ko

"Tinitignan mo ba yung pwet ko?!" Pagsusungit ko

"Nagtatanong ako ng maayos. Tignan mo may sakit kana kung nakinig ka sakin kahapon wala ka sanang sakit" bigla syang huminto sa paglalakad kaya huminto din ako

Eh nabagsak lang naman ako kahapon bakit pa magpapaclinic? Pero may point naman sya. Mukang masama yata pagkabagsak ko. Nilagnat ako ng di ko manlang namamalayan. Tss

When the heart beats againWhere stories live. Discover now