WTHBA 52: YEARS

4 0 0
                                    

After a year..

Jennie Sy POV

Taon nadin ang nakalipas simula ang pagpanaw ni Marco. Binawian agad sya ng buhay habang itinatakbo ito papuntang hospital. Blood lost ang cause of death ni Marco kaya bago pa ito makarating ng hospital ay sya din ang pagkawala neto ng buhay.

Nakulong din nung araw na yon si Travis. Patong patong na kaso ang ipinataw sa kanya. Napatunayan din na sya ang nasa likod ng pagpatay sa yumaong kapatid ni Yassi. Hindi lang sya ang nakulong kundi ang ibang grupo na kasabwat nya nung araw na yon.

Papunta ako ngayon sa puntod ni Marco. Bumili nadin ako ng bulaklak at makakain dahil balak ko din muna na magpalipas oras don. Isang taon nadin ang nakalipas at marami nadin nangyari.

Successful kaming nakagraduate. Si Jules na nakalipad na ng france para sa exhibit na matagal na nyang pangarap. Si Yassi naman na busy sa business nila ng Mommy nya gayundin si Abigail na ang pagkakaalam ko na business minded din ang fam nya so may tendency na yon din ang pinagkakaabalan nya ngayon.

Malaki ang pinagbago simula nang mawala si Marco. Wala na akong balita kay Abel at Andrade. Si Yuan naman, madalas kong maabutan sa puntod. Minsan nadin kami nakapag usap about sa mga buhay namin pero ni minsan hindi kona inopen up pa yung ganap sa grupo nila. Hindi ko na sakop pa yon para alamin pa tho andon yung curious kasi nawalan sila sa parte nila pero may bagabag sa loob ko na isantabi nalang at mag antay kapag may nabanggit na about dito si Yuan.

"Hi Marco. Kamusta ka jan? Hindi kaba nangangalay mahiga jan? Or tumungo manlang mula jan sa langit?" Ngumisi ako dahil kinakausap ko ngayon ang puntod ni Marco.

Naupo ako at inayos ang mga bitbit ko. Nilapag ko ang bulaklak na kanina binili ko at nagsindi nadin ng kandila. Kasabay ng pag ayos ko ng pagkain. Dalawang ice choco at bulalo ang dala ko. Everytime na napunta ako dito hindi ako nagpapawala ng ice choco. Hindi ko maimagine na itong mga pagkain na to yung huli naming bonding bago sya humantong dito.

"Siguro nakangiti ka na naman sakin? Dati ka bang buhay?" Sarkista kong banat. Napapangiti ako everytime na binabasa ko ang pangalan nya.

"Hindi ko padin lubos maisip kung ano yung mga bagay na tumatakbo sa utak mo nung araw na yon para saluhin yung dapat para sakin. Edi sana ako yung nanjan sa kalagayan mo. Edi sana masaya mong natutupad yung mga pangarap mo. Pero dahil sa katangahan ko, naudlot lahat yon at naipagkaitan ng tadhana sayo Marco" ani ko.

"Wala padin ako balita sa dalawa mong tropa. Hindi ko alam kung may pake ba sila sayo o sadyang hindi lang nila matanggap pareho yung pagkawala mo" humigop ako sa ice choco ko sabay inalis ang mga dumi sa lapida nya.

"Oh ito yung isa, para sayo. Hindi naman ako madamot sadyang mapagbigay ka lang. Tanggapin mo to ah? Inumin mo kung nasan ka man" sabay nilapag ko yung isang inumin na dala ko.

Nilahad ko na din ang bulalo at kinain iyon. Dalawang order din yung binili ko dahil para sakanya talaga yung isa. Nalaman ko lang din kay Yuan na paborito nya tong pagkain kaya madalas din si Marco sa tagaytay.

"Sobrang unfair mo. Hindi ko lubos maisip na hahantong sa ganito" hindi ko mapigilan na hindi maiyak.

"Taon na yung nakalipas Marco pero yung sakit andito padin. Hindi ko yata matutupad yung pangako ko na maging masaya. Kinakain padin ako ng konsensya dahil--" putol ko sabay pinunasan ko ang luha ko. "Masyado pang maaga para pumunta ka jan sa langit" tumulo ulit ang luha ko pero nakangiti ako. "Nakakabaliw" dagdag ko.

Inubos ko ang pagkain ko at saka ako nahiga sa tabi ng puntod nya. Hindi ko alam kung nandito lang ba sya sa tabi ko. Kung araw araw nya ba kaming binabantayan. Sana hindi nalang sya nawala. Kung nakikita ko lang ang kinabukasan, sana noon palang hindi na ako muling nagpakita sakanila.

When the heart beats againWhere stories live. Discover now