WTHBA 21: Payback

8 0 0
                                    

Jennie Sy Pov

Pagkatapos namin magpangita ni Mr. Antipatikong Monggoloyd. Umalis ako sa hospital ng dali dali dahil hindi ko na din makaya ang tensyon saming dalawa.

"Miss teka!" Sigaw nung isa pa nyang kasama

Nagtuloy tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makaramdam nalang ako ng paghawak sa braso ko dahilan para mapalingon ako sakanya

"Hmm sorry. Pwede ba kitang makausap?" Tinignan ko lang sya ng seryoso kaya tinanggal nadin nya agad ang pagkahawak sa braso ko

"If you don't mind?" Ngumiti sya sakin

Wala akong choice kundi ang umoo. Bakit ba ang hirap umiwas sa mga to? Nilayo ko na nga sarili ko sakanila at ngayon heto na naman. Ang lapit lapit na naman nila sakin! Hay nakooo

"Anong nangyare?" Sabay inalok nya sakin yung kape na hawak nya

Tinignan ko lang ang kape at binalik ang tingin sakanya

"Don't worry walang lason yan or anything na makakasama sayo" inalok nya ulit

"Thank you" kinuha ko ito at tinignan lang

"So anong nangyare kay M? Anong nakita mo?" Uminom naman sya sa kape nya

"Ang alam ko lang nakaupo na sya. Yon lang" sagot ko habang iniikot ng dahan dahan ang kape

"Yon lang? Sure ka?" Tinignan ko sya ng masama

"Magtatanong ka tas di ka maniniwala? Sana di ka nalang nagtanong dba? Tss!" Pagsusungit ko

"Oh chill! Sinisigurado ko lang naman. Hindi ganon ka mild yung mga sugat nya eh. Sure akong di lang isang tao ang gumawa non sakanya" tumingin sya sakin ng seryoso

"Tss" napailing nalang ako at ininom ang kape

Tama naman sya. Malala talaga mga tama nya sa muka. Kahit ako hindi ko din sya nakilala pero pagkatapos naman sya malinisan ng nurse dito saka ko lang napagtanto na parang maling tumulong ako. Deserve ba? Hays wala pala sa mindset ko ang gumanti. Karma nalang siguro. Ganon nalang.

"Naabutan ko nalang sya na nakaupo. Kaya umeksena ako para di na lumala ang sitwasyon. Tinakot ko sila na tumawag ako sa pulis at papunta na kaya ayon nagtakbuhan ang mga gago." Natatawa kong sabi

"Oooh. Ang tapang mo naman. Nakilala mo ba sila? Sana wala din makaalam ng nakita mo"

"Hindi eh. Madilim kasi. Pero 3 sila hindi ako nagkakamali. Saka isa pa di ako interesado sa mga buhay nyo para ipagkalat yung nakita ko" dagdag ko

"Anyway, I'm Yuan. And You?" Bago nya ialok sakin ang kamay nya nakita kong pinunas muna nya ito sa pants nya

"Jennie" hindi ko kinuha ang kamay nya kaya inalis nya din ito agad

"Sooo, Jennie. Jennie pala name mo?" Patanong nyang sabi

"Bakit? Hindi ka na naman naniniwala?" Sinamaan ko sya ng tingin

"Chill. Ang sungit mo naman! Wala din akong virus para di tanggapin ang kamay ko hahaha" natatawa nyang sabi

"Alam mo kung wala ka nang kaylangan sakin pwede na ba ako umuwi? Baka mag alala pa sakin yung mommy ko eh!" Tumayo ako at binalik sakanya yung kape

"Wait muna. Gusto ka sana kausapin ni M eh kaya din kita hinabol." Tumayo din sya

"Bakit? Para san pa? Pakisabi na quits na kami okay? Wala na akong utang sakanya" tinalikuran ko sya pero bigla nya ko ulit hinawakan sa braso dahilan para mapatigil sa paglakad

"Gawa ba ni Andrade?" Napahinto ako at liningon sya

"Pake ko sa tropa mong monggoloyd?!" Asar kong sabi

When the heart beats againWhere stories live. Discover now