WTHBA 35: Sad memories

7 0 0
                                    

Jennie Sy Pov

Ilang linggo nalang malapit na ang commencement namin. Ready nadin ako para sa speech ko. Pero yung kaba ko andito padin at palala ng palala. Hinihintay ko si Yassi dito sa library kanina pa pero wala padin sya. Halos matapos ko na tong binabasa ko pero wala pading yassi ang dumadating.

"Araw araw kitang hinahanap. Araw araw kitang pinupuntahan sa mga lugar na pwede mong puntahan. Halos maging stalker mo na ako mahanap lang kita Kimchi."

Ito na naman sya sa isip ko! Ilang araw na to hindi nawawala sa isip ko simula nung party ni Jules. Sinusundan nya ba ako? Yon ba ang ibig nya sabihin? Pagkatapos din ng party na yon wala na din paramdam sakin si Marco. Ano naba nangyari sakanila? Timing naman sira ng selpon ko. Wala ako pangpalit! Mamaaaaa :'(

"Lalim naman ng iniisip ng isang to" si yassi.

Andito na pala sya. Kanina pa kaya tong babaeng to? Hays.

"Kanina kapa?" Walang gana kong sabi.

"Actually ngayon lang. May dinaanan lang sa office ni Ms. Ramos kaya now lang ako sorry" umupo naman sya sa harap ko habang nakangiti.

"Yaz okay lang kaya sila?" Bungad ko.

"Sila? Do you mean.. Andrade and Marco?" Tumango ako.

"About that thing. May I know what happened that night? Hindi pa natin to napag usapan since Jules party" tinignan nya ko ng seryoso.

Kahit nga din si Pato wala pading alam. At wala din ako balak ipalaaman. Alam nyo naman kung gano kaOA lagi magreact yung pato na yon.

"Nakita ko sya non sa gilid ng sasakyan nagsasalita mag isa. Lalapitan ko sana sya non kaso parang may kaaway?" Paninimula ko.

"Sssh! Who's talking out there? Can you lower your voice please" yung librarian.

"Mahina lang kasi Kimji. Sorry Ms!" Sambit ni Yassi. "Continue" dagdag nya.

"Yon nga lalapitan ko sana pero may kaaway sya diko alam kung sino kaya hindi na ako lumapit" bulong ko.

"Then? Did you know was that Andrade?" Bulong nya din

"Hindi syempre noh! Mag aalangan ba kong lapitan yon kung alam kong sya yon? Yaz naman" depensa ko.

"I said lower your voice!" Yung librarian ulit.

Sinamaan ako ng tingin ni Yaz. Sabay naman ng hila nya sakin palabas ng library.

"Teka muna yaz baka malaglag mga dala dala ko!" Pigil ko sakanya.

"I don't want to be hanged Kimji tara sa minipark" hila hila nya padin ako. Ano ba naman tong babaeng to.

"Mahaba pa naman oras oh kalma mo nga" at binitawan nya nadin ako sa wakas.

"Continue" reklamo nya

Wow? Demanding yan? Hindi ba sya concern sa mga dala dala ko? Baliw din ang isang to. Maya maya bumigay nadin yung mga gamit na dala ko. At nagkalat na ito.

"Ops sorry na Kimji let me take care of it. I'm just you know, curious kaya ayoko mabitin" habang pinupulot nya yung mga gamit ko.

"Sabi ko kasi teka eh pag untugin ko kayo ni Pato. Parehas kayo hindi makapag antay!" Reklamo ko.

Pagkatapos maayos ng mga gamit ko. Yung iba ay hawak na ni Yassi. At yung iba naman ay nasaakin. Dumeretso nadin kami sa minipark at tamang tama hindi ganon karami ang nakatambay dito ngayon. Hindi naman kasi lahat pare parehas ang breaktime.

"Go I'm waiting" seryoso sya jan? Kulit din ng isang to.

"San naba tayo? Nakalimutan ko na" sagot ko.

When the heart beats againWhere stories live. Discover now