WTHBA 2: Surprise

9 0 0
                                    

Jennie Sy Pov

Maaga akong nagising kasi always maaga napunta ng bahay namin si Christian para sunduin ako. Kumilos na agad ako para incase na dumating sya ay handa na ako. Nagluto nako para pag gising ni mommy kakain nalang sya. Pinaliguan ko nadin si Kai (aso kong Cocker Spaniel) para hindi na mapagod si mommy.

6am na pero wala pa sya.

"Nasan na sya? Kahit kelan talaga walang araw na hindi ka nya iinisin!"

Lumabas na muna ako para silipin sya pero wala padin. Tirik na tirik na araw. San naman kaya nagpunta yon? May dinaan kaya? Hays.

"Goodmorning baby! Aga aga, busangot na naman yang muka mo? May problema ba?" takang tanong ni mommy.

"Tanghali na ma! Wala padin si christian!" Pagdadabog ko

"Padating na yon baka natraffic lang." malumanay nyang sabi.

"Mommy! Matatraffic? Village lang to. Nasa kabilang kanto lang sya, tas traffic?" bigla akong nagpout sakanya.

Totoo naman eh. Siguro singkwentang lakad lang nandito na sya. Posible naman na tanghaliin ng gising yon? Ayon?! Magising ng tanghali!! Isang himala lang talaga. -_-

"Baka naman tinanghali ng gising?" nabasa yata ni mommy yung nasa isip ko o sadyang napalakas ko lang.

"Imposible mi" depensa ko.

"Kain kana dito. Samahan mo si mommy" pag aaya nya.

"Kanina pa po ako nakakain mi. Akyat lang po ako saglit. Kunin ko lang po mga gamit ko."

"Si Kai anak, nasan?" tanong nya.

"Nasa kwarto ko po. Napaliguan ko nadin." sigaw ko.

Nasa hagdan na ako kaya hindi ko na narinig yung iba pa nyang sinabi. Pagpasok ko sa kwarto nakita ko si Kai na natutulog pero agad din naman syang nagising at kampay ng kampay yung buntot nya para mapangiti ako.

"Nagising ka ba ni mamay Kai?" nakahiga padin sya habang winewave nya yung buntot nya.

"Nasan na ba si Christian? Parang ang tagal nya ngayon? Hindi kaya papasok yon? Ano sa tingin mo Kai?" Tinignan ko sya pero this time nakatingin nalang sya sakin na parang nagtataka din. Hindi ko alam kung naiintindihan nya ko pero isa lang nasa isip ko. Nagkakaintindihan talaga yata kaming dalawa.

Lalapitan ko sana sya kaso bigla syang tumayo at nakalawit ang dila bigla syang huminto tas tumagilig yung muka nya. Ano naman kayang problema? Bigla nalang tuloy akong natuwa sa inasal nya. Ang cute lang hehehe

"Halika nga dito Kai" lumapit naman sya sabay inamo amo ko sya

"Goodboy! Ang laki mo na talaga! Payakap ang mamay!" ^_^

Inamoy amoy ko sya ng makaramdam ako na parang may tao sa pinto ng kwarto ko at kanina pako pinagmamasdan. Sabi na eh! Si ungas. Bigla nalang ako nakaramdam ng inis! Whoo. Oxygen talaga! >.<

"Alam ko na yang titig na yan." pag aalangan nyang sabi pero nakangisi. Lalapit na sana ako kaso bigla naman nyang takbo. Asar! Pft.

"Hoy! Bumalik ka nga ditong pato ka! Humanda ka talaga sakin!" sigaw ko.

Kinuha ko na ang mga gamit ko sabay hinabol ko ang panget na yon! Pang asar ka talaga ha! Lagot ka sakin!

"Tita si Kim oh! Sasaktan na naman nya ko" pagsusumbong nya. Teka nga, nanay ko yan eh. Ts! Patotoy.

"Aba at naghanap pa ng kasangga. Umalis ka jan sa likod ng mommy ko. Nanay ko yan!" inis kong sabi.

"Ano ba naman kayong dalawa" reklamo ni mommy.

When the heart beats againWhere stories live. Discover now