WTHBA 38: Bonding Time

6 0 0
                                    

Jennie Sy Pov

Buti naman at nagkaayos nadin tong si Yassi at Jules. Akala ko papatagalin pa nila yung tampuhan nila eh.

"Look Kimji rate my shots dali" inalok naman sakin ni Abi yung camera nya.

Tinignan ko ito isa isa. Hindi ko maiwasan matawa dahil sa pagmumuka ni Yassi. Halatang hindi sila nagkasundo sa pagkuha ng litrato kanina. Siguro dala nadin ng badtrip nya kay Jules kaya ganito resulta? Hahaha.

"Pangit?" Dismaya nyang sabi.

Umiling ako pero diko mapigilan itago yung ngisi ko.

"Let me look at it" Inaabot ni Jules sakin.

Hinawakan naman agad ni Abi yung kamay ko sensyales ng pagtanggi nya dito.

"No! Perfectionist ka masyado pagdating sa shots kaya it's a big NO!" Pagsusungit nya.

"Give it to her girl! Para naman matututo ka!" Natawa naman ako sa pagsiring ni Yassi. Hindi ko alam kung galit paba sya o nag iinarte nalang eh.

Inabot ko ang camera at nakita ko naman ang pag bungisngis ni Jules. Perfectionist nga siguro tong isang to kasi Major nya nga pala ang pagpophotography.

"Kimji? Jules? Ano na!" Nakanguso na si Abi hahaha

"Ano? Wala naman akong ibang sinabi dba? Maganda naman lahat ng kuha mo pero iba padin kung mas manggagaling sa totoong photographer ang sagot" sagot ko.

"Jules?!" Nakanguso padin sya.

"All the shots are good except Yassi's face" agad naman syang binato ni Yassi ng tissue.

"What? I'm just telling the truth here! Goodness!" Dagdag na reklamo ni Jules.

"Do you really want me to ignore you forever? Tell me gagawin ko agad Jules" siniringan nya si Jules. Ang taray talaga!

"Oh ayan na naman kayong dalawa kakabati nyo lang eh!" Awat ko.

"Si Yassi kasi panay reklamo edi kuha lang ako ng kuha sya na bahala mamili! Arte arte!" Reklamo ni Abi.

"Do you want me to retake it again Yassi?" Offer ni Jules kay Yassi.

"Sige na Yaz. Ibaba mo na yang ego mo nag effort naman na yung tao pumunta kahit late" malumanay kong sabi.

"Taas ng pride girl! Di ko mareach!" Hinampas nya si Yassi ng marahan sa braso.

"Okay. Ano paba magagawa ko?" Tumayo sya at agad ko sinenyasahan si Jules na sumunod na.

Sumunod naman ito agad. Nung una nagtatalo pa sila siguro nagrereklamo si Yassi sa mga posisyon na gusto ni Jules. Pero nung nagtagal nagtatawanan na sila hanggang sa nagkasundo na sila sa bawat pose na pinapagawa ni Jules.

"Huy girl pasensya kana kay Jules at Yassi. First time mo sila nakitang ganon dba?" Nakatingin kami sakanila habang sinabi ni Abi ito sakin.

"Normal naman na yon sa magkaibigan kaya okay lang buti nga nag kaayos agad eh" sambit ko

"Ano naman napag usap nyong dalawa? Nakita ko na nagtatawanan kayo" napatingin ako sakanya.

"Sinabi ko lang yung nangyari kanina. Inaasar ko din hindi ko naman alam na pikon pala yon!"

"Si Jules? Sometimes. Buti nakuha mo agad loob nya madalas kasi tahimik yan kapag may bago kaming kasama ni Yassi" sabay tingin nya sakin

"Bakit naman?"

"Hindi ko din alam pero hayaan mona importante maayos na lahat!" Tumingin uli kami ng sabay sakanila.

"Kaylan pa kayo naging magkakaibigan?" Tanong ko.

When the heart beats againDove le storie prendono vita. Scoprilo ora