WTHBA 12 : Admirer

5 0 0
                                    

Jennie Sy Pov

Hindi ako masyado nakatulog ng ayos. May halo padin ng takot ang katawan ko sa mga nalaman ko pero sapat na rason na siguro iyon para maging matapang ako.

Sunday pala ngayon. Family day? Tsk. Wala nga pala ako non. Simula nung iniwan kami ni dada naging sira na ang pamilya namin.

Bumaba na ako agad para kumain. Wala nang ayos ayos sa sarili. Nasa bahay lang din naman ako.

"Good morning mi" bati ko.

"Good morning baby! Bakit parang puyat na puyat ka yata? Nakatulog kaba ng ayos? May sakit kaba?" Agad naman nya kong hinawakan sa noo at leeg.

"Mommy okay lang po ako. Nagreview papo kasi ako kagabi kaya mukang zombie tong anak nyo ho" malumanay kong sagot.

Kaylan paba ako natutong magsinungaling? Hays
Ayoko lang naman mag alala si mommy eh. Bahala na nga.

*Doorbell*

"Anak may tao" utos nya.

"Okay po" agad kong sagot.

Pumunta agad ako sa bintana para silipin kung sino yung tao sa gate. Hindi ako nagkamali at si pato yung nasa labas.

"Ano naman kaya ginagawa nya dito?" bulong ko sa aking sarili.

Agad na akong lumabas para pagbuksan sya ng gate kaso parang wala lang samin na nagkita kami. Cold yarn? -_-
Sumunod din agad ako papasok ng bahay.

"Mi akyat lang ako sa taas" walang gana kong paalam.

"Anak andito si Christian" sambit nya.

"Okay lang po tita" dugtong ni pato.

Bahala silang dalawa mag usap basta ako dito lang ako sa may hagdan para marinig ko kung ano man yung pwede nilang pag usapan.

Inayos ko yung sarili ko tapos pinahaba ko ang leeg ko na parang pagong. Todo-todo akong nakinig sakanila kahit medyo mahina lang naririnig ko.

"May problema ba kayo ni Kim anak?" Mommy.

"Ahh. Wala naman po tita hehe bakit ho?" Sagot ni pato. Sinungaling! Tsk.

"Eh kung ganon? Bat parang may iba sainyong dalawa?" Nagtatakang tanong ni mommy.

Ewan ko din mi? Pero ang lakas talaga ng radar mo hahahaha! Si mommy talaga hays.

"Wala ho yon tita. Pinuyat ko kagabi. Magkausap po kami sa skype. Medyo napasarap kaya yon parang antok pa" ay wow pato? San mo nahuhugot yung pagsisinungaling mo? Kaylan kapa natuto nyan? Anyway, ganon ba ko kamukang zombie? Tsk! Then let see kung kagagat yang palusot mo.

"Aaah. Ganon ba iho? Ano nga pala ipinunta mo dito? Wala ka bang ibang lakad? Linggo ngayon" Mommy.

After itanong ni mommy yan hindi ko na sila narinig pa. Bahala sila tutulog nalang ako. Masakit din ulo ko.

--

Tinignan ko ang oras at 12:30pm na pala. Hays napasarap pala tulog ko. Nakita ko naman na tulog si Kai. I think pinakain na sya ni Pato, dahil bakas din yung ibang kalat ng dog food nya.

Bumaba ako para silipin kung andyan pa ba sya sa baba pero si mommy nalang yung tao.

"Tinulugan mo tapos hahanapin mo" natatawang sabi ni mommy.

"Hindi po mi!" Tanggi ko.

"Oh sya kumain kana dyan. Nilutuan kana nya ng paborito mong ulam" nakangiti nyang sabi.

"Tocino?" Sambit ko habang nanlalaki mata ko.

"Kumain kana dyan" Mommy.

Dali dali akong nagpunta sa kusina para icheck kung ano ba yung niluto ni Pato.

When the heart beats againWhere stories live. Discover now