Agad akong lumabas at natigilan nang makita siya sa sala. Bumaba ang tingin ko at nakita sa tabi niya ang mga bag at iba ko pang gamit. Dinagundong ng kaba ang puso ko at humakbang palapit sa kaniya.

"L-lennox? Ano 'to? Bakit nasa labas 'yan?" I asked him.

Nakapamulsa siyang tumitig sa akin. Wala pa ring emosyon ang kaniyang mukha. I gasped and stared at him.

"I want you to leave, now," he said with a cold voice. My eyes widened before walking towards him.

"A-ano? Lennox! Bakit?" I asked. Nagsimulang mamuo ang luha sa aking mata.

I saw something glinted on his eyes na agad ding nawala.

"I want you gone," he simply said.

Mas lalo akong lumapit sa kaniya at kumapit sa kaniyang damit. I took a grip on it and look up to him.

"Bakit? Bakit Lennox? Akala ko gusto mo na sa'yo ako? Baliw man pakinggan but I still want to be with you. I want to stay by your side!" I sobbed at niyakap siya habang nakatingala.

He shook his head.

"Just leave."

Lalo akong napahikbi at niyakap siya. I buried my face on his chest and shook my head.

"Please... no. Susundin ko na ang lahat ng gusto mo. Hindi na ako susuway. I'll be good. Please?" Muli ko siyang tiningala.

His face is now in trouble. Umiling siya at nag-igting ang kaniyang panga.

"No. You know ho—"

"Sorry na, 'di ba? H-hindi na ako makikipag-usap kahit kanino! Kahit kaninong lalaki, sa'yo na lang. Kahit sa babae pa. Whatever you say, susundin ko, just... just don't push me away. Sabihin mo, bawiin mo 'yon at sabihin na gusto mo ako manatili," I begged.

Tears start to stream down from my eyes. My eyes are already blurry because of tears clouding them.

"Stop it, Sweet." Tinulak niya ako nang bahagya ngunit umiling ako at mas niyakap siya nang mahigpit. "Did you forget what I'm capable of! Kinalimutan mo na ba kung ano ang muntik ko ng nagawa sa'yo? Don't be stupid, Sweet! Umalis ka na!"

Mariin akong umiling at kumapit sa leeg niya.

"No! Ayoko! Gustong-gusto kita, Lennox. Na kahit sinaktan mo ako, hindi ko magawang magalit sa'yo. Kaya 'wag naman ganito, please.."

Unti-unti akong nanghina at napadausdos hanggang sa nakaluhod na ako sa harap niya. Tiningala ko siya at tinitigan. He's staring at me bago suminghap at umiwas ng tingin.

"No. Umalis ka na. Bago pa ako may magawang higit pa! Can't you see that my other personality is... is..." Dinungaw niya ako and I saw a tear fell from his eyes. Tila kumislap pa iyon bago tuluyang nahulog, " obsessed...at kahit hindi ko gusto, nasaktan kita. And it can do the worst.." he murmured.

Unti-unti siyang napaluhod sa harap ko. Ngayon ko lang siyang nakitang ganito. Weak, sad, and vulnerable. Ang isang butil ng luha ay nasundan hanggang sa naging sunod-sunod iyon.

"You don't know how fucking painful it is to see myself hurting you. 'Yong kahit anong pagmamakaawa mo, halos hindi ko napigilan ang sarili. It's so fucking painful to hurt you which is very opposite on what I promised. Sabi ko po-protektahan kita but..." Ginulo niya ang buhok at sinabunutan, "but I hurt you. I fucking hurt you! It almost succeeded on forcing myself to you!"

Natulala lamang ako sa kaniya at pinanood siyang tumangis. Unti-unti siyang lumapit sa akin bago umiyak sa may tiyan ko na parang bata. Humigpit ang yakap niya at tumingala sa akin.

"K-kaya kung gusto mo, please leave now. Kahit labag sa kalooban ko, I will let you go," mariin niyang saad at tila unti-unting nauupos. "But please, kapag nanatili ka, huwag na huwag mo akong iwan. Hindi ko kaya na wala ka. Hindi ko kaya... ayoko na maiwan pa. Ayoko na mag isa. I will try my best to be good. Baby, I'll be good."

Niyakap ko siya at hinayaan na umiyak sa dibdib ko. Naninikip ang dibdib. I can feel his misery... his sadness.

Sinuklay ko ang kaniyang malambot na buhok. Sandali akong natulala at tumigil sa ginagawa. Naramdaman ko ang pagtingala niya kaya dinungaw ko siya. Mapungay ang kaniyang mata, he's even pouting and I realized how adorable he is.

"Bakit ka tumigil?" Parang bata niyang tanong.

I smiled a bit and pinched his cheek before combing his hair with my finger. Bumalik siya sa pwesto.

We are lying on the bed. Nasa dibdib ko ang ulo niya at mahigpit ang kaniyang yakap sa akin.

"I'm sorry for what happened yesterday..." he murmured.

Napabitaw ako sa kaniya nang umayos siya ng higa at tumagilid. Nakadungaw siya sa akin at hinahaplos ang aking pisngi.

"I woke up yesterday, afternoon. I'm feeling strange and I now that feeling. Nakahubad ako kaya kinabahan ako nang sobra. Agad akong pumunta sa kwarto mo pero wala ka. I went to my room and found you naked. Maraming marka at iilang pasa sa katawan. Paunti-unti kong naalala ang nangyari at..." malalim siyang bumuntong-hininga at umiling.

Hinalikan niya ako sa pisngi. Matagal niyang nilapat ang labi bago lumayo at muli akong tinignan.

"So you mean, may iba kang personality? Is it like a disorder kung saan may iba-ibang personality iyong isang tao?" I asked him. He bit his lips kaya napatingin ako ro'n.

"Kind of but not really. You can't understand it but ang masasabi ko lang, sometimes I can be a monster and that monster will take over me." Napatango ako at yumakap sa kaniya.

"Pero hindi mo naman gusto 'yong ginawa mo, 'di ba?" I asked him again. He kissed my forehead and I closed my eyes when his lips touched my skin.

"No. Never. I'm not in control yesterday. You know, I promised to you that I would make love with you kapag mahal mo na rin ako.." Humigpit ang yakap niya sa 'kin. "And I'm really sorry baby. Mabuti na lang medyo natauhan ako sa sampal mo at umalis," he murmured. "Pero nasaktan pa rin kita. I didn't even kiss you gently."

I heaved a sigh and looked at him.

"You said something earlier, sabi mo kapag 'mahal mo na rin ako', so you're in love with me?" I asked.

He smiled, a sweet and gentle smile.

"Yes, my Sweet. I'm fucking in love with you... since then."

******

Supladdict<3

Dark LoveWhere stories live. Discover now