Lihim 3: Chapter 3- Ulan..

Começar do início
                                    

Maymay's POV

"Dong musta work? Napagod ka ba?" Tanong ko sa asawa ko habang minamasahe ko ang likod nito.

"Tired but it's okay.. because of you. I love you so much wife."

"Dong naman!" Kinikilig na hinampas ko ng malakas ang likod nito.

"Tsk! Wife!"

"Ay sorry! He he peace bro!" Biro ko dito. "Dong teka, kunin ko lang 'yong ice cream sa fridge.." paalam ko sa asawa ko.

May gayuma ata ang ice cream ni Conde, naaadik ako eh.. pfft!

Hindi ko na hinintay magsalita ang asawa ko nagtuluy-tuloy na akong lumabas at bumaba.

Nang makarating ako sa kusina agad kong binuksan ang predyeder para kunin ang pakay ko. Halos punung-puno ng ice cream ang fridge namin.

Kasasara ko palang ng predyeder nang maramdaman ko ang pagvibrate ng selpon ko sa may bulsa.

Ibinaba ko muna ang ice cream sa lamesa at inilabas ang selpon ko.

Amaya's calling..

Agad ko itong sinagot ng makita ang pangalan nito.

Hindi pa ako nakakapagsalita nang marinig ko ang paghikbi nito sa kabilang linya.

"Amaya..."

[Ate May.. ate..] umiiyak na tawag nito sa'kin.

"Anong nangyayari?" nag-aalalang tanong ko dito.

Puros iyak lang naririnig ko mula dito.

"Amaya.." untag ko.

[Wala a..ate.. sorry po sa isturbo..]

Pagkasabi niya nun nawala na ito sa kabilang linya.

Mas dumoble ang pag-aalala ko dito kaya sinubukan kong tawagan ulit ito ngunit hindi ito sumasagot. Ilang beses kong tinawagan ang numero nito ngunit ayaw pa rin nitong sagutin.

"Wife.. anong nangyayari?" Nag-aalalang tanong ni Edwardo.

Hindi ko napansin ang pagpasok nito sa opisina lalo na ang paglapit nito sa'kin.

"Dong si Amaya... umiiyak.. baka.. baka may nangyaring masama na sa kanya."

"Ano bang nangyari? "Tanong ulit nito.

"Hindi ko alam Dong.. nung tumawag siya. Iyak siya nang iyak. Dong nag-aalala ako na.. na baka may.."

"Sshh.. stop thinking that way wife. She will be fine.."

Umiling ako dito. "Hindi Dong.."

Napagbugtong-hininga ito. Hinila ako nito at kinulong sa mga bisig niya.

"You worried to much wife. Don't worry, tomorrow we're gonna talk to her."

Tumango ako sa asawa pero hindi pa rin naiaalis sa'kin ang mag-alala masyado sa kalagayan ni Amaya.

Biglang kumulog ng malakas kasabay ng pagpatay ng mga ilaw.

"Dong!" Sigaw ko.

Narinig ko ang pagtawa ng asawa ko. Agad din bumalik ang liwanag.

Bigla akong may naalala.

"Dong puntahan natin siya.. si Amaya."

"No.." mariing tanggi nito.

"Edwardo.."

"Ang lakas ng ulan sa labas Mayang.."

Napasimangot ako dito at kumalas sa pagkakayakap nito.

MAYWARD fanfic: Lihim (completed)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora