Chapter 53: 7th Person

Magsimula sa umpisa
                                    

"Have you been there? How did you know everything?" Sunod-sunod na tanong ni Zach.

"Naah, why would I even try to step a foot in there if I already knew that it is a suicide? I just got some information from the right person." Sagot niya at uminom sa kopita na kanyang hawak. Napa-isip naman ako ng malalim dahil sa kanyang sinagot at mga nalalaman. Hindi ko ipagkakaila na siya at kanyang mga kasama ay mga misteryo parin para sa amin, para sa akin. Tumayo siya sa pagkaka-upo at umalis.

'Sino ba talaga kayo?'

Kiana's POV

Tahimik akong nagmamasid sa isang mansyon habang nakaupo sa iyang puno. Hindi masyadong malapit at hindi rin masyadong malayo. Kitang-kita sa pwesto ko ang kalagayan ni Maurice. Siya at tahimik na naka upo sa isang higaan. Walang takip sa bibig at walang tali sa paa at kamay. Kanina pa ako dito, inunahan ko ang magaling niyang kapatid dito dahil kailangan ako mismo ang unang haharap kay Uno. Nakaramdam ako ng awa dahil tahimik siyang lumuluha. Sinuyod ko muna ang lugar bago ko napagdesisyonan na bumaba at akyatin ang mansyon para puntahan siya.

Maingat ang aking mga galaw mahirap na at pugad ito ng mga demonyo. Mabilis kong inakyat ang mansyon at kumatok sa bintana. Mabuti nalang at mabilis lamang ito buksan. Lumusot ako at tahimik na pumasok. Nang nakapasok na ako ay dahan-dahan akong lumalakad papalit sa kanya. Nagitla naman siya sa aking biglaang pagdating na ikinataas ng kanan kong kilay.

"Kia?" Gulat niyang tanong. Tumayo siya at lumapit sa akin. Hinagkan niya ako ng mabilis at nagpatuloy sa pagluha. Wala naman akong nagawa kundi suklian ang kanyang yakap habang hinahagud ang kanyang likod. Humiwalay ako sa yakap at tiningnan ang kabuuan niya. "How did you know I am here?" Tanong niya sa akin ng mahimasmasan siya.

"It doesn't matter anymore. What matters the most is for you to escape this place. Ihahatid kita sa isang lugar kung saan may naghihintay sayo." Giit ko sa kanya. May mga pasa at sugat siya sa katawan pero hindi naman matindi ang kanyang inabot sa kamay ni Uno.

"Pero paano ka?" Tanong niya na may bahid ng pag-aalala.

"I still need to face that Uno. He has a big debt that I need to arrange with him." Sagot ko sa kanya at kinuha ang isang handgun mula sa aking likod at ibinigay ko ito sa kanya. "Use this without hesitation. Don't worry you'll live." Giit ko sa kanya na sinuklian niya ng ngiti. "Let's go." Ani ko sa kanya at nauna.

Chineck ko ang paligid and the coast is clear. Pinauna ko siyang lumusot sa bintana at mabilis akong sumunod bago pa nila mapansin na nawawala ang kanilang bihag. Dahan-dahan kaming bumaba at patuloy parin nagmamasid sa paligid baka may nakatunog.

"Hold my hand. Let's run for our lives." Giit ko sa kanya. Pero bago paman kami makakatakbo may nagpaputok ng baril sa banda namin kaya lumingon kami at napansin namin ang mga demonyo na paparating. "Run run run." Giit ko sa kanya.

Habang tumatakbo lumilingon ako para bumaril sa mga walang hiyang demonyo. Bumabaril rin sila pabalik at iwas naman kami ng iwas. Patuloy pa rin kaming tumatakbo at tumunog ang aking relo hudyat na malapit na sila. Baril parin ako ng baril hanggang sa nabaril ako sa balikat pero daplis lamang iyon. Kailangan ko silang iligaw para makapunta ng matiwasay si Maurice kung nasaan sila. Mas binilisan ko ang pagtakbo at paghila sa kanya. Nakakita ako ng pagtataguan kaya hinila ko siya doon at nagtago habang nagpapahinga.

"May tama ka sa balikat!" Giit ni Maurice pero hindi ko iyon ininda malayo naman sa bituka.

"Daplis lang iyan." Sagot ko sa kanya. "I want you to listen to me Maurice. I will distract those goons  so that you can run. I want you to run straight don't ever look back. Wag kang liliko or babalik dito." Habilin ko sa kanya pero halatang tutol siya. "You don't have a choice. Use the gun that I gave you to protect yourself. May helicopter na naghihintay sa dulo ng islang ito. Sumakay ka at umalis. Wag kang mag-alala may tutulong sa akin." Dugtong ko sa aking sinabi.

"Pero Maurice, ayokong iwan ka." Tutol niya at tunog ng pagbaril ang naririnig namin.

"Just do what I say. Do you understand?" Seryosong utos ko sa kanya pero umiling siya. "Do you understand?!" Giit ko sa kanya kaya wala na siyang nagawa kundi sumunod. "I will count into 3. When I say run, you'll run. Understood?" Habilin ko sa kanya na tinanguan niya. Niyakap ko siya ng mahigpit at ginantihan niya iyon. Mabilis lamang iyon at bumitaw na ako.

"1"

"2"

"3," lumabas na ako sa aking pinagtataguan at pinagbabaril sila.

"Run!" Sigaw ko kaya tumakbo ng mabilis si Maurice. Tumakbo ako papalayo doon at pilit ko silang nililigaw at nililihis sila papalayo. Patuloy pa rin nila ako binabaril hanggang sa napalibutan na nila ako.

'Shit!'

I'm running out of ammo but I still have some daggers and needles. Umingay ulit ang relo ko hudyat na  nandito na talaga sila at umilaw naman ng berde hudyat na ligtas na si Maurice. Pa ikot-ikot sila sa aking paningin.

"Sumuko ka na. Wala ka ng kawala." Giit ng leader ata nila. Malalaki ang kanilang mga katawan at madaming tattoo sa katawan. Klase klase ng baril ang gamit nila at mukhang kakailanganin ko ang tulong nila pero sinusuyod pa nila ang isla.

"Why would I surrender? I'm still enjoying my life." Sagot ko sa kanya na ikinapikon niya.

"Then prepare to face the wrath of hell." Pananakot niya na sinuklian ko ng isang mapangkutyang ngiti.

"I've been there already and don't worry boy, I'm not scared." Tugon ko at nagsimula na ulit ang barilan. Palitan lamang kami ng baril at ilag naman ako ng ilag pero naubos na ang aking bala.

"Fuck!" Mura ko at tinapon sa isang kalaban ang baril at bull's eye. Natamaan ako sa may gilid ng tiyan na lalong kong ikinainis. Hinugot ko ang aking mga dagger at itinapon ito sa kanila. Sa bilang ko nasa labing-lima ang natamaan at bumagsak. Lahat ng iyon ay may mga lason na nakakamatay sa konting oras lamang.

'Fuck andami pa rin nila!'

Ang mga karayom nalang ang pag-asa ko pero mukhang hindi rin sapat para mapabagsak silang lahat. Bawat isa sa kanila na mababawas ay mas lalo silang nadadagdagan. I need to believe in them. Pinindot ko ang aking relo at panigurado matatanggap ng isa sa kanila ang aking mensahe. Huminga ako ng malalim at seryosong tinitigan ang bawat isa sa kanila. Tumalon ako ng mataas at itinapon ang mga karayom na dala ko. Nagsitumbahan ang iba sa kanila pero ang hindi ko inaasahan ang karayom na nakaturok sa aking batok. Sa aking pagbaba ay siyang pagkatumba ko rin. Nakakita ako ng dalawang pares ng sapatos habang ang taong ito ay pumapalakpak tila siya ay napakagalak.

"Well well well, what do we have here?" Mapang-uyam na giit ng isang taong matagal ko ng inaasam na makaharap at makatunggali.

"W-walang hiya ka, Uno!" Nahihirapan kong bulyaw sa kanya. "H-hindi ka pa rin marunong l-lumaban ng patas." Dugtong ko kahit nahihirapan. Tila nagiging paralisado ang aking katawan at tila hinihila ako ng antok. Humahalakhak siya at nilalabanan ko rin ang antok.

"Don't worry my dear, I'll let you soon." Huling narinig ko mula sa kanya bago kainin ng dilim.

The Mafia: The Real HeirsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon