INVISIBLE 5: (AINA)

Magsimula sa umpisa
                                    

Napahinga ako ng malalim at tumayo na. Inayos ko ang buhok ko at lumabas na ng cubicle. Napalingon ako sa babaeng kasabayan kong lumabas sa katabing cubicle.

“Hi, Son,” bati ko sa kanya. I forgot, inimbitahan nga pala siya ni Alex ngayon. Akala ko kahit ngayon lang masosolo ko si Alex, ‘yong wala akong sakit na mararamdaman nang dahil sa selos.

“Hello, Aina! Good luck sa ‘yo mamaya,” nakangiti nitong bati sa akin habang abala siya sa pag-aayos ng sarili.

“Thank you!” nahihiya kong pasasalamat. Pakiramdam ko ang sama kong tao dahil itinuturing ko siyang kakompetensiya kay Alex habang siya naman ay walang kaalam-alam.

“Are you always wearing that black eyeliner and mascara?” tanong pa ni Son sa akin. Nagallagay na kasi ulit ako ng eyeliner.

Tumango ako. “Yeah. Kasama ‘to sa get-up.” 

“Ang galing mo naman. Di kasi ako marunong maglagay niyan eh. Napapa-iyak ako,” sabi niya habang pinapanood ako sa ginagawa ko. Medyo naiilang ako.

 

Nang matapos na ako ay humarap ako sa kanya. “Sa una lang ‘yon. Kapag nasanay ka na madali na lang. Hindi ko na maiiyak.”  Humarap na ako sa salamin at inabala ang sarili ko sa paglalagay ng mascara. Kailangan ko ito para maitago ang lungkot sa mga mata ko.

“Hindi ka nahihirapang maglagay ng mascara?”

“Hindi. Madali lang naman ‘to,” I answered. She’s really comfortable talking to me habang ako naman ay ilang na ilang. Kung pwede lang sabihin na h’wag niya muna akong kausapin kaso I don’t want to be sounds so mean in her.

“Naglagay niyan ako once. Napapikit ako kaya ‘yon, nagmukha tuloy akong mumu dahil nagkalat ang mascara,” natatawa niyang pagkukwento.

Natawa ako ng mahina sa kwento niya. “Ang kulit mo talaga.” Kaya ka siguro nagustuhan ni Alex. “Gusto mo lagyan kita?” I just want to know kung ano ang magiging reaction ni Alex kapag nilagyan ko ng kolorete ang mukha ni Son.

 Lumawak ang pagkakangiti ni Son. “Sige sige. Para maiba naman ang itsura ko,” sang-ayon niya sa akin.

 Lumapit ako sa kanya at sinumulan ko ng lagyan ng eyeliner ang eyelid ng mga mata niya. “Tingin ka lang sa taas. Madali lang ‘to,” mahinang sabi ko.

 Sumunod naman siya sa mga sinasabi ko. Napapaluha na siya. 

“Naluluha na ako,” namumula ang mga matang sabi ni Son. 

“Mascara naman. Ganyan ka lang. When I’m done, don’t close your eyes,” sabi ko lang.

InvisibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon