Pinunasan ko ang umalpas na luha sa aking mga mata.

"Bakit po? Bakit po umalis 'yong sponsor ko? Maganda naman po yung grades ko diba? Wala po akong sinco o tres. Lahat naman po maayos 'di ba? Bakit po?" Hinang-hina ako. Iyong tanging pinanghahawakan ko sa buhay, 'yong pinaghihirapan ko nawala na.

"Hindi ka niya binitawan. He's really happy and proud of your performance. But sadly, he died."

Tuluyan akong napaiyak. Masakit ang puso ko dahil sa lungkot na hindi na ako makakapag-aral at ang taong tumulong sa akin ay wala na. Hindi man lang ako nakapagpasalamat sa personal. Lagi lamang sa sulat at via calling.

"We're sorry, Miss.." saad ni Ma'am Molina. Napatango ako.

"Please send my condolence to his family."

Bigo akong lumabas ng office. Pakiramdam ko ay pasan ko ang mundo. Napakamahal ng tuition sa Ruther University. It's a very prestigious school that only rich people can afford. At swerte ako na naging scholar ako. But now, I'm really unfortunate.

Nagtagal ako sa paglilibot sa University. Nagmasid ako sa paligid. I will still try. Baka naman kaya ko pang tustusan ang pag-aaral ko. Seven thousand a week naman ang sahod ko. Kakayanin ko. Makatawid lang ako sa pag-aaral.

Pumasok pa ako sa ilang subjects bago napagpasyahang umuwi. Hinang-hina ako. First, I almost lost my life last night. Ngayon, wala na akong scholarship. Pakiramdam ko ay may nawalang tao sa buhay ko. I feel so brokenhearted.

Gusto ko muna magpahinga kahit sandali bago pumunta sa trabaho. Alas-tres pa lang ng hapon. I still have almost three hours to take a rest.

Pumasok ako sa apartment. Napakatahimik. Ako pa lamang mag-isa. Binaba ko ang bag ko sa sofa at hapong-hapo na bumasak sa sofa. I massage the side of my head nang maramdaman ang pagpitik ng ugat dito. Napamulat ako nang makarinig ng katok. I heaved a sigh and walked towards the door.

Nakita ko si Ate Tessmarie na nakapamewang sa harap ng pinto ko. Nag-angat siya ng tingin.

"Sweet, kailangan mo ng umalis dito." Nanlaki ang mata ko.

"Ho? Bakit po?" Umiling siya.

"Luluwas ang pamilya ko rito sa Manila. Pati sila Stella at Irene, papaalisin ko na. Mamayang madaling araw na ang dating nila. Biglaan lang," saad niya. Kumunot ang noo ko.

"Pero po, dapat bibigyan niyo kami ng kahit isang buwang palugit para makahanap ng bagong tutuluyan bago niyo kami paalisin. Ganoon po sa lahat ng paupahan," mahinahon kong saad.

May kinuha siya sa bulsa at inabot sa akin. Nakita ko ang sobre.

"Kailangan talaga, eh. Alangan naman 'yong pamilya ko ang mangungupahan sa iba? Marami sila, tatlo lang kayo. Ayan na 'yong advance na binayad mo, tsaka kalahati ng bayad sa binigay mo para sa buwan na ito," saad nito.

"Pero ate.."

"Sige na. Umalis ka na."

Nanghihina akong pumasok sa loob ng kwarto. Nilibot ko ang tingin sa loob ng kwarto. Nakakainis! Nakakaiyak! Ang malas ko ngayon. Puro kabiguan na lang ang nararanasan ko. Nakakapagod. Saan naman ako titira ngayon?

Si Irene at Stella, may pamilya. Ako? Wala akong pamilya. Walang-wala na ako. Lahat ng mga bagay na natitira sa akin at pinapahalagahan ko, nawawala na.

Nag-impake ako ng gamit. Mabigat ang loob ko habang kinukuha ang mga gamit ko dito. Wala akong magagawa. Tama si Ate, marami ang pamilya niya, kami tatlo lang. And of course, that's her family and they are her priority. Naiintindihan ko naman. Kaso nakapanghihina, nakasasama ng loob. Bakit sabay-sabay pa na sakit sa puso ito?

Parang may galit sa akin ang mundo. Mag-isa na nga lang ako sa buhay, pinagkaitan ng pamilya, pati ba naman pag-aaral na hinahangad ko at tirahan kinukuha at pinagdadamot pa?

Mugto ang mata ko nang makalabas na sa apartment. Ang sakit sa puso.

Nag-iwan na lamang ako ng note para sa dalawa. Hindi ko na sila mahihintay dahil kailangan ko ng maghanap ng tutuluyan. Mabuti pa sila, may pamilya. Mabuti pa sila, may uuwian. Ako? I have nothing. Ang mga damit ko na lamang at kaunting pera.

Hindi ako nakahanap ng mauupahan. Hindi madali iyon, makahahanap ka, ilang araw muna. Dumiretso na lamang ako sa mansion.

Tinabi ko ang mga dala kong bag sa tabi ng sofa at nagsimulang maglinis. Lilibangin ko muna ang sarili, kesa tumunganga at maramdaman ang bigat ng pangyayari.

Sumulyap ako sa bintana. Papalubog na ang araw. And it's breathtaking to watch. Nag-aagawan ang dilim at liwanag. Kulay kahel ang kalangitan at paunti-unting nawawala sa paningin ang araw. The sunset.

Napabalikwas ako nan padarag na bumukas ang pinto. I saw Sir Lennox wearing a black jacket at gamit niya ang hood nito. Matagal siyang nakatalikod. Naririnig ko ang malulutong at mahina niyang mura.

He looks so shocked when our eyes met. But sandali lang iyon at balik sa malamig na estado ang kaniyang mga mata. Pinasadahan niya ako ng tingin bago naglakad paakyat sa hagdanan. Magsasalita sana ako ngunit mabilis siyang naka-alis.

Bumuntong hininga ako. Tuluyan ng kumalat ang dilim sa paligid. Pinagpatuloy ko ang paglilinis. Maaga rin akong natapos dahil maagang naglinis. Nilibot ko muna ang tingin sa paligid bago dahan-dahang umupo sa sofa.

Malaki na ang pinagbago ng mansion. Mas mukhang maliwanag na ito sa paningin dahil wala na ang mga alikabok. Next stop ko naman ay ang ikatlong palapag. Siguro doon namamalagi si Sir Lennox. Sumandal ako sa sofa at pinikit ang mata. I feel so exhausted, physically, mentally, and very much on emotion.

Napamulat ako nang makaramdam ng may nakatitig sa akin. Napa-upo ako nang maayos nang makita si Sir Lennox na nakatayo at nakapamulsa. He's wearing a gray muscle shirt and black pants. He looks so fresh. His cold and steely eyes are directly piercing to my soul. Tumikhim ako at yumuko. Dahan-dahan akong tumayo.

"S-sir..." Hindi siya sumagot. I looked up and stared at him. Tila naghihintay siya sa sasabihin ko.

"Can I stay here, even for tonight?" I asked.

He tilted his head sideward. Napatindig ako lalo ng tayo dahil sa klase ng tingin niya. He looks so manly and sexy with that pose. He crossed his arms in front of his chest.

"N-napaalis po kasi ako sa apartment ko."

Nakapanghihina ang kalse ng tingin niya. It's like a fire that can turn my knees into liquid. Parang nakapapaso, nakapanghihina, tinutupok ang aking pagkatao.

Halos nakahinga ako nang maluwag ng tumango siya.

"Thank you Sir, aalis rin naman po ako kapag nakahanap na ako ng ba---"

"No. You can stay here," he said. His voice is so manly, deep and baritone. Napalunok ako.

"S-sige po, b-bawasan niyo na lang ang sahod ko."

He shook his head at tinalikuran ako.

"Don't worry, you're welcome to stay here. Stay at the sole room here in the first floor," he said. "You can eat something on the refrigerator," He added and walked towards the stair.

And now, I can breath well. Hindi rin naman pala ako malas.

******

Supladdict<3

Dark LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon