She breathed in the morning air, na may halong amoy ng sigarilyo mula sa ibang empleyado, amoy bulok na basurahan, at usok mula sa traffic congested kalye.

"Haynaku.... amoy syudad," wika niya sabay naglakad papasok sa kompanya. Her smile never leaving her face.

Nang mapansin na nagsisikipan sa loob ng apat na elevator ang mga tao, tumingin sa relo si Dei at naghintay sa lobby. Tamang-tama sa oras, dumating din ang boss niya.

"Good morning, Mr. Vargas."

Agad na huminto sa paglalakad ang binata at tinignan siya na parang may sira sa ulo.

She laughed. "Good morning, Jhake."

"Akala ko nadapa ka sa kalye at nabagok ang ulo. Hindi ka naman ganyan kabait." He continued walking towards the other end of the building where the VIP elevator lies. Sumunod naman siya kasi sekretarya siya nito.

Ilang empleyado din ang bumati sa Operational Director ng MUNDO na tinugunan naman nito ng magiliw na ngiti. Pansin niya ang mga lalaking nakaitim na nagkalat sa lobby kaya napatanong siya kay Jhake.

"Andito na si Mr. A?"

He groaned. "Yes. At dinagdagan na naman niya trabaho ko."

"Ha? Anong event na naman pupuntahan mo? Fashion? Gala? Exhibit? Political? Charity?"

"Charity."

"When?" Kinuha niya ang tablet sa bag para ayusin ang schedule nito.

"Tonight."

"Ah... wala ka naman apointment mamayang gabi."

They stepped into the elevator and Jhake was quick to lean on the back. Pinagmasdan nito si Dei.

"Madami nang tao sa kabilang elevator?"

She grinned.

He smiled. "Inaabuso mo posisyon ko."

"Loyal naman ako sayo, boss. Biruin mo, 2 years and counting mo na akong sekretarya."

"Anong ginawa mo sa Marketing Department kahapon?"

She pretended like she doesn't remember a thing.

"Tatawagin kita sa buo mong pangalan." He threatened.

"Binentahan ko sila ng pabango. Sabi ko gustong-gusto mo ang bango nun kaya marami ang bumili..." she quickly patted his arms for consolation. "Benta agad, boss. Thank you!"

Jhake shook his head and laughed. Eto ang dahilan kung bakit paborito niyang empleyado si Dei. Hayagan ang pagiging opurtunista. Lagi siyang ginagawang marketing strategy nito dahil daw sa apat na M. Mayaman, Mabait, at Magandang Mukha. Mas marami daw ang nagka-crush sa kanya kesa sa may-ari ng kompanya. Kalokohan talaga nitong sekretarya niya.

"Ilibre mo na talaga ako ng kape." Then he quickly added at the last second. "Don't use my card."

"Jhake, hindi ko dala ang wallet ko." Dei smiled sheepishly.

"Lagi na lang. Seriously, hindi ka nagbabayad ng utang sakin. And I can't deduct it on your salary."

"Barya lang naman sayo ang utang ko." She patted his arms again. "Ang bait-bait ng boss ko. Thank you, boss!"

The elevator finally stopped on their floor and Dei waited for Jhake to step out first.

"Good morning, sir Jhake. Dei," ngiting-bati ni Camilla na nasa station na nito bilang Assistant Secretary. Though she's more of Jhake's assistant than hers.

Nginitian ito ni Jhake bago binigyan ng instruction si Dei sa paparating na meeting mamaya. There will always be a sudden general meeting whenever Alden's on the building.

"At bilhan mo ko ng kape. Huwag mong isali ang sarili mo." He instructed.

Ngumiti lang si Dei. "Wala akong narinig, Jhake."

Pagkatapos ilagay ang mga gamit sa mesa at kunin ang wallet mula sa bag, dumaan saglit sa employee's elevator si Maine. Pansin niya na marami pa rin ang gumagamit nito kaya dumiretso siya sa VIP elevator.

She waited for it to reach her floor from the top floors. Once it opened, Dei stayed standing on her ground as her eyes met a set of black orbs. The boss of her boss was standing proudly in front of her and at such close distance.

"Don't come in," he said and took a step forward to press the elevator's button.

Dei noticed, while the doors' closing, he never took his eyes off her.



*****

Million Dollar GirlTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang