Special Bullet

4.9K 188 50
                                    

Months later...

"...okay, Glenn." Sabi ko habang nilalaro ang kamay ni Caden.

"Sorry talaga at hindi ako nakapunta sa kasal mo. Busy eh."

"Ayos lang, uy! Padalhan mo nalang ako ng pagkain." Tumawa ako.

"Sige ba, gusto mo ng pancakes? Si Blanch ang ipapagawa ko."

"Naks, mukhang ayos na kayo ah."

"Di naman," He chuckled. "sige, Dakota. Mauna na ako, magpapadala lang ako ng wedding gift."

"Sige. Thank you in advance, Glenn. Bye!"

Bago ko pa ibaba yung call ay hinablot ni Caden yung phone ko at paulit ulit na pinindot yung end button.

"Peste! Kanina pa akong nagtitiis dito." Umirap siya bago hinagis yung cellphone ko sa kabilang sofa.

"Ano nanamang problema mo?" Sabi ko.

Nandito kami sa bahay namin, hindi pupunta sa agency si Caden dahil ayaw niya akong iwan dito kahit may katulong naman.

Hinalikan niya ang kamay ko. "Wala po, nagseselos po ako."

"Pinagseselosan mo nanaman si Glenn?" Tumawa ako.

"Bat ba! Siya lagi mong kasama nung hindi pa ako nagpapakita sayo." Sabi niya bago sinandal ang ulo ko sa balikat niya.

"Muff, mag-asawa na tayo at wala na akong kawala sayo kaya wag ka nang magselos. Plus, I'm pregnant with your child."

Yung simangot niya ay napalitan kaagad ng ngiti nang sinabi kong buntis ako. Hinawakan niya ang tiyan ko at hinaplos ito.

"Lumabas ka na, oy. Kating kati na akong malaman ang kasarian mo."

Pwede na naming malaman ang kasarian ng bata pero ayaw namin dahil gusto naming malaman sa araw na ilalabas ko to. Tsaka, nagbet kaming dalawa eh.

Actually, we will be expecting the baby to come out anytime now.

"Babae to, sure ako." Sabi ko.

"Lalaki to, nagtext siya sakin." Humalakhak siya.

"Ulol," I rolled my eyes. Kinagat ko ang labi ko bago nagsalita. "Caden..." Malambing kong sabi.

He rolled his eyes. "No, Dakota."

"Naman eh! Ilang araw mo na akong kinukulong dito!" Ayaw niya na kasi akong papuntahin sa agency simula nung lumubo na ang tiyan ko.

"No," Sabi niya bago ako sinamaan ng tingin. "dito ka lang. Bat ba ang tigas ng ulo mo?"

"Bat ang bossy mo?" I rolled my eyes.

"I'm your boss, Dakota."

"Excuse me? Boss mo ako." Actually, boss kaming dalawa.

"Sige na, suko na ako. Ikaw na boss ko pero hindi ka pwedeng lumabas ng bahay. Pano kung biglang lumabas ang baby natin?"

"Hindi yan! Mag-iingat naman ako!"

"Hindi nga pwede, ang kulit." He rolled his eyes.

"Samahan mo nalang ako." Nagpuppy eyes ako sa kanya.

"No nga! Tinatamad akong magmaneho."

"Edi ako ang magmama--.."

"No!"

"Argh!" Sumuko na ako at pabagsak na sinandal ang likod ko sa sofa.

*****

"Sorry, I love you." I kissed his forehead before leaving our room.

Love & BulletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon