Bullet Six

3.9K 151 60
                                    

First

"Swerte siya at sa tagiliran lang tumama yung bala at nadala mo siya kaagad dito." Sabi nung Nurse dito sa clinic ng agency.

"Muntik pa nga akong mawala, Nurse eh. Hindi pa kasi ako familiar sa daan dito sa Davao." I sighed.

"Magpahinga ka muna, Dakota. I'm sure you're very tired, bisitahin mo nalang si Caden mamaya kapag gising na siya." Sabi naman nung Nurse sabay ngiti.

Tumango naman ako. Tumingin muli ako sa natutulog na si Caden. Pinitik ko ng mahina yung kamay niya, hoping na magigising siya but no effect.

Bumuga ako ng hangin bago nagmartsa palabas sa clinic. Napahawak naman ako sa tahi ko. Sana pala ako nalang yung nag-alis ng bala sa tagiliran niya at tinahi yung sugat. Para naman makabawi ako, siya kaya ang nag-alis ng bala at nagtahi sa sugat ko.

Lahat ng agents sa agency namin ay nagtraining din sa mga ganito. Dapat alam naming mag-alis ng bala at magtahi ng sugat.

"Torres, status report."

Bumalik ako sa katinuan nang marinig ko ang boses ni Chief.

"Chief, nasa agency ako ngayon. May tama si Caden pero naalis na yung bala. Nahuli na namin si Del Mantra at nasa isang kwarto na siya para mainterview."

"Good," Sabi niya naman. "kausapin mo kaagad yan. Kailangan may makuha ka nang impormasyon tungkol sa leader ng Red Guns. Understood?"

I sighed. "Opo, Chief."

*****

"What do you mean nakatakas si Del Mantra?!" Sigaw ko.

"P-Pasensiya na, Miss Dakota." Yumuko yung staff na nagbabantay.

"Sinabihan na kita na kapag aalis ka para magbanyo o kumain, tumawag ka ng kapalit! May earpiece ka, diba?!"

Tumango naman siya. "O-Opo."

"Yun naman pala eh!" Sigaw ko. Kinuha ko yung baril ko at kinasa, tinutok ko yun sa braso niya. "this is your fucking punishment. Sana naman ay matuto ka." Sabi ko bago siya binaril.

Napasigaw at iyak siya sa sakit. Dumudugo na yung braso niyang binaril ko. Psh, pasalamat siya at hindi sa puso eh.

Agad akong lumabas at sinabihan yung Nurse, gamit ang earpiece ko, na gamutin yung tarantadong yun.

Ayoko talaga sa mga pabaya.

"I heard a gunshot, Da. Okay ka lang ba?" Biglang sabi ni Xavi sa earpiece ko.

Bumuga ako ng hangin bago binalik ang baril ko sa belt ko. "I'm fine, may pinarusahan lang akong bobo."

"What happened?"

"Nakatakas si Del Mantra dahil napakapabaya nung nagbabantay sa kanya." I rolled my eyes.

"Seriously?!"

Pumikit ako ng mariin at sumandal sa pader. Chief is going to kill me.

"Yes."

"Patay tayo kay Chief."

"Patay ako kay Chief." I corrected him.

"Pero kasalanan naman nung nagbantay eh. I'm sure yun yung patay kay Chief."

"Xavi, ako yung assigned sa mission na ito at parte si Del Mantra dun. Ako pa rin yung malalagot dahil nakawala siya."

"Assigned din si Caden sa mission na yan, Da. Wag mong angkinin lahat, ayoko yung ikaw lang ang mapapagalitan. Tsk."

Love & BulletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon