Bullet Nine

3.6K 160 33
                                    

Straightforward

Maaga akong nagising. 6 AM ako nagising para lumangoy. Hindi kasi natuloy ang night swimming namin ni Caden dahil dun sa nangyari.

Walang nangyari samin! Makeout lang at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang pumayag ako.

Maybe I am starting to like that guy too.

Holy fuck, this is not good. Magagalit talaga si Chief neto. Well, hindi niya naman malalaman eh.

Suot ko na ang aking rash guard, may bikini ako sa loob. Matapos kong maglagay ng sunblock ay agad din akong pumunta sa tubig.

Shit, ang lamig.

Lumangoy ako papunta sa medyo malalim na part. Binasa ko ang buhok ko at lumangoy langoy.

Napatingin ako dun sa mga bagong dating. May babaeng may dalawang anak na dala, isang babae at isang lalaki. Mas matanda naman yung babae sa lalaki.

Nag-iwas ako ng tingin. Ayokong maalala ang mga bangungot ko.

Lumangoy na ako pabalik at umupo lang ako sa buhangin. Tumingin lang ako sa mga bangka at barko na dumadaan dun sa pinakamalalim na parte ng dagat.

"Hey," May nagsalita sa gilid ko. Inangat ko naman ang ulo ko para makita kung sino yun. "ikaw ra isa?" He asked. (mag-isa ka lang?)

"Uh, tagalog ako." Sabi ko naman kahit medyo naiintindihan ko yung sinabi niya.

"Really? Ako rin," He smiled. "is it okay if I sit with you?"

Subukan mong gumawa ng hindi maganda, papatayin kita. "Sure."

Umupo na siya sa tabi ko, mabuti naman at hindi siya dumikit sakin. "I'm Ajay, Ajay Pangilinan." Sabi niya sabay lahad ng kanyang kamay.

"Autumn Medieva." Kinuha ko yun at nakipagshakehands. Muntik ko nang masabi ang totoo kong pangalan!

"Mag-isa ka lang bang pumunta rito?"

I shook my head. "Tulog pa yung kasama ko."

"At least may kasama ka." He chuckled.

"Ikaw? Are you alone?"

"Yup," He sighed. "my girlfriend broke up with me 2 days ago. I came here to forget. Gusto kong makalimot."

"I'm surprised you didn't choose alcohol." I chuckled.

"Hindi sagot ang alak, baka may magawa pa akong katarantaduhan kapag uminom ako. Mas mabuti pang magbakasyon dito sa Davao."

"Kelan ka uuwi sa Manila?"

"I don't know. Wala na ata akong balak na umuwi eh, mas gusto ko dito sa Davao," Tumingin naman siya sakin. "ikaw?"

Magsasalita pa sana ako nang may magsalita mula sa likuran ko. "Wala ka na dun."

Napatayo ako nang malamang boses ni Caden yun and he is not happy.

Tumayo na rin si Ajay at nilahad ang kamay kay Caden. "Ajay nga pala."

"Wala akong pakielam." Mariin na sabi ni Caden.

I punched him. "Pasensiya ka na dito, wala kasi siya sa mood. Caden, si Ajay. Ajay, ito si Caden."

"Boyfriend niya." Sabi ni Caden sabay akbay sakin.

"Nice to meet you," He smiled. "aalis na ako, Autumn. I'll see you around." Ngumiti siya sakin bago umalis.

Agad ko namang kinurot si Caden nang makalayo na si Ajay. "You're such an asshole, Caden!"

"I know," Iritado niyang sabi bago hinawakan ang kamay ko. "halika nga dito."

Love & BulletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon