Bullet Twenty Four

3.7K 194 62
                                    

Period

"Hmm," Sabi ko habang tinitingnan ang mga disenyo nung babaeng kaharap ko. "Muff, eto?" Tanong ko kay Caden habang nakapulupot ang aking kamay sa braso niya.

"San?" Malambing niyang sabi sakin. Tinuro ko yung gown na kung saan off shoulder ito tas may slit. "ayoko niyan, mashadong sexy." Umirap siya. Natawa naman yung designer.

"Arte mo," Sabi ko at tiningnan yung pangalawang design. Mashadong mahaba to tsaka mashadong bongga. "um, yung gusto ko is yung simple lang. Hindi ball gown, yung flowy lang." Sabi ko.

"Ay, meron po akong mga gown dito na flowy. Simple but elegant." She said, pinatong niya sa lamesa yung folder na hawak niya at binuklat ito.

Tiningnan ko ng mabuti ang nga gowns na ito. Sa sobrang ganda ng mga to, nahirapan akong pumili. Mabuti nalang at mahaba ang pasensiya ni Caden, kanina pa kasi akong pumipili dito. Tapos na kasi siya sa suit niya, hindi kasi maarte to sa pagpipili.

"Oh, I like this!" Ngumiti ako bago tinuro yung pangatlong design.

"Oh, I like this!" Ngumiti ako bago tinuro yung pangatlong design

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Are you fu--..seryoso? This?" Nakasimangot niyang sabi.

"What? Maganda kaya!" I rolled my eyes. "bat ba ang arte mo? Hindi naman ikaw yung magsusuot." Iritado kong sabi.

"Fine," He said. "Miss, ito nalang pero pwedeng pakiadjust nung slit? Hanggang tuhod lang, please. Ayokong maisilipan ang asawa ko. At pwede din bang palagyan ng tela sa likuran?" Sabi niya sa designer.

"Caden!" I slapped his arm. "sobra ka na."

"Tch," Masungit niyang sabi. "yung slit nalang yung iadjust." Sabi niya sa babae.

"Sige po, Sir."

Hindi na ako umangal dahil baka hindi pa kami matapos dito. Nagugutom na rin kasi ako tas mas lalo akong magugutom kung magtatalo pa kaming dalawa.

"Thank you." I smiled.

Hinawakan na ni Caden ang kamay ko at naglakad na kami palabas sa building na ito.

Binawi ko kaagad ang kamay ko nang makalabas kami sa building. Pinagbuksan niya ako ng pinto at naglahad ng kamay pero hindi ko tinanggap yun. Pumasok na ako at binagsak yung pinto na ikinagulat niya.

Pagkapasok niya, nagsuot na siya ng seatbelt at binuhay ang makina. Sumulyap siya sakin bago nagsimulang magmaneho.

Umirap ako bago sinandal ang ulo ko sa bintana. Kairita! Hindi naman siya ang magsusuot ng gown ko. Pinayagan ko na siya sa slit pero yung likod pa?

Natigil ako sa pagrarant sa utak ko nang tumikhim siya. Psh.

"Where do you want to eat?" He asked.

"I'm not hungry." Malamig kong sabi.

"Dalawang pandesal lang ang kinain mo kaninang 7 am, 12:13 pm na. Impossibleng di ka pa ginugutom." Sabi niya habang nakatingin sa kalsada.

Love & BulletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon