Bullet Twenty Three

3.6K 141 21
                                    

Engaged

"Hay nako, mabuti naman at si Dakota ang papakasalan mo. Ayaw ko talaga dun sa last ex mo. Sino nga ulit yun? Si Issa?" Umirap si Tita Jill bago hiniwa yung ulam niya.

Agad kong sinulyapan si Caden at tinaasan ng kilay. Ngumiti lang siya sakin at ngumuso. "Ma, past is past. Kaya wag na nating pag-usapan yun, please? Baka iwan pa ako netong babaeng to." He looked at me before laughing.

Alam pala ng parents ni Caden na buhay siya pero nung araw nung libing niya kuno, akala talaga nilang patay siya. Nagpakita pala siya days after ng kanyang libing sa kanyang parents. Akala pa nga ni Tito Chris multo. Pinagmumura pa siya.

"Mabuti naman at naisipan niyong umuwi ni Jasen dito, Jen." Sabi ni Tito Chris bago uminom mula sa inumin niya.

"Hay nako, Pa, simula nung nalaman ni Jenesis na ikakasal na si Caden, agad niya akong pinag-impake ng gamit at sinabing uuwi kami agad ng Pilipinas." Inirapan naman ni Jasen si Jenesis, yun din ang ginawa ni Jenesis kay Jasen.

Inimbitahan kami nina Tito Chris at Tita Jill na mag family dinner dito sa bahay nila. Parang celebration na rin daw sa engagement namin ni Caden.

"Mama, more rice, please!" Nakangiting sabi ng anak nina Jenesis, si Pierre.

"Huy, ang takaw mo. Mana ka sa nanay mo." Pang-aasar ni Caden kay Jenesis.

Maghihiganti na sana si Jenesis nang unahan siya ni Tito Chris.

"Hep! Nasa harap tayo ng hapagkainan, wag kayong mag-away dito kundi kukurutin ko yang mga bilbil niyo." Banta ni Tito Chris.

"Dada, I'm not a child anymore." Tumawa si Jenesis.

"Nyenye." Pang-aasar ni Tito Chris kay Jenesis kaya natawa ako.

"Nga pala, gusto niyo bang mag-engagement party, Dakota? Ayaw kasi ni Caden, hindi ko alam bakit. Ayaw niya kasing sabihin." Inirapan ni Tita Jill si Caden.

Bago pa ako makasagot kay Tita ay nilapit ni Caden ang mukha niya sakin at ngumuso.

"Muff, wag na. Please, wag na." Bulong niya sakin.

"Bakit ba? Masaya naman yun." Umirap ako.

"Eh kasi naman eh, alam kong iimbitahan mo sina Glenn Ledesma at yung Trent!" Gigil niyang sabi.

Tumawa ako at nilayo ang mukha niya sakin.

"Sige po, Tita. Thank you po." I smiled widely.

"Ampu--..hay ambot." Inis na sabi ni Caden bago sumandal sa upuan niya.

Ayan nanaman siya. Magtatampo nanaman siya sakin para lambingin ko. Halos araw araw nagtatampo to para lambingin ko.

"Wag mo na ako tawaging 'Tita' uy! 'Mama' nalang, tas 'Papa' kay Chris." Nakangiting sabi ni Tita Jill este Mama Jill.

"Basta, Dakota, ha, bigyan niyo kaagad kami ng apo. Sana lalaki para may magkakalat pa ng lahi natin." Tumawa si Papa Chris.

"Sure, Pa. Lika na, Dakota." Nabigla ako nang hawakan ni Caden ang kamay ko bago tumayo.

"Huh?" Nalilito kong sabi.

"Oh, Cadenden. Where are you going? Di pa tapos kumain si Dakota, oh." Nginuso ni Jenesis ang plato ko.

Uy, wag kayo. Friends na kami ni Jenesis. Bleh.

"Sabi ni Papa bigyan agad namin sila ng apo. Punta na kami sa kwarto para gumawa ng--.." Agad ko siyang sinuntok sa tagiliran kaya natigil siya at napahawak sa tagiliran niya.

Love & BulletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon