Bullet Five

4K 170 58
                                    

Okay

Nandito kami sa kotse niya, nagmamaneho siya papunta dun sa lugar na binigay samin ni Xavi. Yung lugar kung nasan ang Dark Dragons.

7 am pa, pinili naming umaga pumunta dun para mamayang gabi ay pupuntahan na namin yung building ng Red Guns.

"Yes, this is Caden," Biglang sabi ni Caden. May kausap ata sa earpiece niya. "Chief...papunta kami sa lokasyon ng Dark Dragons....Chief, alam naming may connection ang Dark Dragons pati ang president ng Red Guns....mamaya pang gabi...Chief, alam namin ang ginagawa namin." Nakita kong hinilot ni Caden ang sentido niya.

Pinapagalitan ba siya?

His jaw clenched. "I know, Chief. Gusto ko lang samahan si Dakota para makasiguradong ligtas siya....alam ko....Yes, Chief...okay."

Tapos na ata yung usapan nila dahil tumahimik na siya. Iniiwasan kong makausap ng matagal si Caden dahil baka kung san nanaman kami mapunta tulad kagabi.

Nagkaroon siya ng unexpected confession.

I cleared my throat. "Anong sabi ni Chief."

"Sinabi niya lang na dapat unahin natin yung building." He said.

Yun lang ba talaga? Alam ko kasing sinabihan siya ni Chief na wag na akong samahan dahil kaya ko.

"Okay." Tumango ako at sinandal ang ulo ko sa bintana.

"Hi, Da."

I smiled. "Hi, Loglog. Nasa agency ka pa pala?"

"Yup, kakabalik ko lang galing sa isang mission." Bakas sa boses niya yung pagod.

Kawawa naman si Logan, usually, ako kasi yung nagmamasahe sa kanilang dalawa ni Xavi kapag super pagod sila from a mission. Kapag ako naman yung pagod, minamasahe nila ako.

"Kumain ka na ba? Eat first," I said. "nasan si Xavi?"

"Kakaalis lang, may huhulihin lang daw silang drug addict na gang leader."

"Sa kanya talaga binigay yang mission na yan eh noh?"

"Shempre, kasingbrutal mo yun eh. Bugbog sarado yung mga nahuhuli niya, kaya gusto ni Chief na si Xavi yung gumagawa ng mga ganong mission."

"Brutal ka din naman, ah?"

"Yeah, pero nasa ibang mission na ako kaya hindi na ako pinasama."

Magsasalita pa sana ako nang biglang magsalita si Caden.

"We're here." Sabi niya.

Napatingin naman ako sa paligid. As expected, hindi malaki ang hideout ng Dark Dragons. Isang maliit na warehouse lang tas wala pang bantay sa labas. Mga bobo.

"Logan, nandito na kami sa location ng Dark Dragons. I want you to listen carefully, pakinggan mo lahat yung mga sasabihin nung Elton and make sure to take down notes, lalo na yung mga importanteng details. Got it?" Seryoso kong sabi.

Tumikhim naman si Logan. "Got it," He said. "please, mag-iingat ka."

"Lagi akong nag-iingat." Sabi ko sabay kasa ng baril ko at nilagay yun sa belt ko.

Tumingin sakin si Caden at tinaas ang kamao niya. "You ready?"

"Always." Sabi ko sabay fistbump sa kanya.

Agad kaming bumaba sa kotse at siniguradong walang tao sa paligid. Kinuha ko na ang baril ko habang naglalakad palapit sa warehouse.

Nang makalapit kami ay dinig na dinig ko ang maingay na rock music mula sa loob. May sign pa sa tabi ng pinto.

Love & BulletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon